Huwebes, Marso 24, 2016

A Rebel’s POV (declamation piece)

Ladies and gentleman let me introduce myself
I am a blank sheet of paper void of understanding
Useless and nothing

I am nothing
I am hated

And I couldn’t blame people for seeing me like this
Coz in the first place, this is me
With this rugged look with hobbies of breaking curfews and rules, a bastard, stupid, defying the norms
I feel so comfortable
And they called me a rebel

I remember when I was 5
We’re at the mall and I’m looking at a doll a beautiful doll with a golden hair dreaming it to be mine.
I picked it and started loving it.
But my sister saw it
She then started to tell mom and dad that she wants it too
But since it was the last stock, I am forced to give it
And they told me, “Its okay, pick another one for you.”

Then I say, I understand

I remember the day when my younger brother punched my face
Then I slapped him harder
Instead of asking why,
Mom bit me at her hardest without even looking at me in the eyes then I started to cry.
Coz if only she looked me in the eyes, then she can also read the reason why
Why I act like that
Why I’m used to that
To this
To this fake me

Then I say, I understand

I remember the day when I was in high school, a boy kissed me on my cheeks
And I was terribly afraid coz I know what will happen next
And I was right
My classmates told mom about it and still, she didn’t look at me in the eyes. Instead, when we got home, she brought me into their room and started beating me the best way that she could careless of where it would hit me.
Then I started to yell and yell, asking anyone for help but no one rescued me. I’m gasping out of breath, wishing for death. But no one helped me.

Then I say, I understand

Remember when I was in college,
I bought myself a cell phone and spent the whole day with it
Playing games, texting boys
Listening to music to avoid their voice
Then one night, I went home late with group of guys
Guys who taught me how to use a stick and told me to do this
Guys who handed me a glass and drank with me like this
Guys who can only hear my voice me that time
That night, due to dad’s anger accusing me that I’m an addict
He grabbed my phone on my hand and got a hammer
Then to my surprise, I saw my phone in pieces
He hammered it while
Asking with tears why, why I act like that
Then I stopped
At last, he asked me why.
But that time, I was not able to answer coz he beat me once again, again, again and again
Since then, I used to looked at my scars every time and count them one by one
And little by little, I cannot feel the pain
“Coz I’m used to it.

Then I say, I do not understand


Now that I’m old enough to take care of myself
I’m tired of counting the scars, putting band aids on my head, wiping blood from my lips
And I can’t help myself but to just look down and weep
“Coz all I want is attention
But you know what I’ve realized,
That one of these days, rain will come pouring
That sunshine, blue sky morning will someday turn to gray
And I’m still a daughter and I can’t do anything about it
But questions will remain
Like how can I listen?
When it's me that they don’t listen to
Like how will they feel that I am doing everything just to please them?
When they always think that I do not.
How will they feel the pain in me?
When they only think the of the pain in them
How will they ever feel that I’m a daughter?
When they look at me helpless and nothing
When will they realize that life is short?
To let them feel that I need a family and a home

And to you who can hear my voice right now.
I just want you to know that this world is made out of sugar that dissolves so easily. But don’t be afraid to stick your tongue out and taste it.
Coz this world is for everybody regardless of who you are and who you’ve become. They can stick their silly labels on my back but don’t they ever dare to stare at me ‘coz I am not hiding anymore.

I am a blank sheet of a paper void of understanding useless and nothing.
I’m used to it and I loved it.

Then I say, Welcome to the world of unwanted.

Biyernes, Enero 22, 2016

Patawad - Mahal kita (spoken word)

Kapag sinabi kong mahal kita,
Nag mimistulang inaangkin ko ang pribadong mundo ng kasalukuyn mong pagkatao...
Kaya sa pagkakataong ito, hinihingi ko ang patawad mo.

Patawarin mo ako --- MAHAL KITA..

Mahal kita sa paraang umiikot ang mundo ko sa lahat ng alaala mo,
Sa lahat ng iniwan mong bakas mula nang magkakilala tayo..
Mahal kita sa paraang hindi ko nilimot ang mga ngiti mo't pagtawa..
Ang pagsimangot mo't pagluha..
Mahal kita kaya hindi ako bumitaw noong mga panahong paglakad mo papalayo ang aking tinatanaw..
Mahal kita --kahit na naging imposible na..
Pero mas minahal kita nung napatunayan kong posible pa pala...

Kaya sa iyong pagbalik, Patawarin mo parin ako --- MAHAL KITA..

Pagkat ngayon ay hinding hindi kana makakawala pa..
Ikukulong kita sa puso kong may kandado na.
Na ang susi ay itinapon ko na...
Ikukulong kita sa init ng bisig ko nang sa gayo'y manatili ka rito at hindi na muling maglagalag pa..
Patawarin mo ako dahil hindi kita kayang muling mawala..
Kaya mahal - manatili ka!

Inuulit ko, patawarin mo ako, sa pagmamahal sayo ..
Sa muli't muling pagmamahal sayo...
Mahal kita at salamat, nagbalik ka.

Martes, Disyembre 15, 2015

Muli (spoken word)

Nov.26,2015

Nakasama kita
Muli't muli ,nakasama kita..

Sa ganoong di inaasahang pagkakatao'y wala akong nagawa kundi ika'y pagmasdan
At damhin ang init na walang paglagyan
Halos ayaw na kitang bitawan..
Lalo pa ngayo't alam ko nang ako'y iyo lamang

Kung isa iyong panaginip ay ayaw ko nang magising

Nakasama kita,nakapiling
Nahawakan iyong mga kamay
Ika'y nakaakbay
Nasilayang muli ang kislap ng iyong mga mata
Narinig ang boses mong kaylamig
Walang patid..itong pagpintig pagkat kay lalim na nitong pag ibig

Himig mo'y kay sarap pakinggan.
Hanggang sa muling pagkikita
Pansamanatalang paalam!

Hinagpis ng Kabiyak (spoken word)

Nov.28,2015

Muli kong susuungin ang bukas na wala ka
Kahit sa puso koy laging narito ka

Muli kong ititikom itong pagsinta para sa bagong simula
Kahit alam kong mahirap ang panimula.
Masakit..oo masakit.

Pero teka, paano nga ba talaga ako magsisimula?
Paano nang hindi ka kasama?
Paano ako babangon sa umaga
Kung wala ang iyong pangangamusta?
Paano ako tatawa,tulad ng pagnagpapatawa ka.
Paano ko ipagpapatuloy ang araw kung ni isang pagpaparamdam ay wala ka.
Paano ako tutulog kung wala kang good night at mahal kita.

Mahal paano..paano ko kakayanin ang lungkot.

Paano mahal ko?

Paano ko maipapakita sa iyo ang tunay na pagmamahal
Pagkat kung umiiyak ang puso mo'y humahagulgol ang kabiyak nito.

Hanggang sa Muli (spoken word)

Naghintay ako
Naghihintay ako
Maghihintay ako

Na ika'y muling masilayan
Masulyapan
Mahawakan
Na maramdaman muli ang init ng iyong halik
Higpit ng yakap, tamis ng iyong ngiti.

Naghintay ako
sa nakaraang malabo
Na sa panaginip lamang nagkakatotoo
Naghintay ako nang di mo alam
Nang di mo pansin
Naghintay ako hanggang sa sabihin mong muli na ako parin
Naghintay ako at nagkatotoo..
Nakapaghintay ako at ang puso'y muling nabuo.

Hanggang sa muli kang lumisan Nilisan mo na namana ako, Iniwan sa kalagitnaan ng daan Kasabay ng walang pangako ng pagbabalik
Pero heto parin ako
Muling naghihintay sa'yo

Naghihintay
Na balikan mong muli
Na muli kang magbalik, mulit muli
Dahil naghintay ako
Nakapag hintay ako, at naghihintay muli ako
Na mapadalas pa ang minsan
Na mas mapahaba pa ang paglalaboy natin sa daan
Naghihintay ako sa mas malayang pagngiti
Pagsasamang walang pag aatubili

Maghihintay ako sa pangako mong pag-ibig
Sa tamang panahong sa ati'y maglalapit...magbibikis...
Maghihintay ako hanggang puso ko'y mahanap mong muli.
Maghihintay at maghihintay ako sa tamang panahon hanggang sa panahon na ang sumuko
Pero teka, hindi dapat ako sumuko
Oo tama, hindi ako susuko pagkat...

Hanggang Sa muli mong pagbalik
Hanggang
Sa wala nang salitang paglisan at pangambang hindi kana makabalik.
Naghintay naghihintay at maghihintay parin ako
Kahit ayaw mo na
kahit suko ka na
Maghihintay parin ako, kasi sa pagkakaalam ko, akin ka!

Gigisingin mo pa ba ulit sila? (spoken word)

Ngayon nalang ulit - pumatak
Itong mga luhang kay tagal kong tinipid,
Pinigil kong mailabas
Dahil umiiwas ako sa sakit.

Muli kong narinig ang iyong tinig, pero imbis na matuwa at magalak
Ay nagismula na namang magsibagsakan mula sa kawalan ang mga luhang kay tagal kong tinipid
Isinilid sa garapon ng katahimikan pero heto na naman at muli mong ginising

Ang dati mong tinig na puno ng pag ibig
Ay nagmimistulan na lamang isang alingawngaw na natagalan bago makabalik
Ginawa akong manhid ng iyong tinig
Na dati'y kay tamis
Ang mga salitang naririnig dati'y kay tamis!
Ngayo'y ang lamig... Kakaiba't tila hindi na muling magkakahimig

Itong mga luha
Na paisa isa ,
Maya maya'y nagdadalawa
Tatlo
Apat
Lima
Hanggang sa hindi ko na mabilang

Ay muling nagkamuwanag, muli mong ginising, muli mong binuhay mula sa pagkakahimlay
Kaya itong mga luha ay walang humpay sa pagdaloy pagkat ang puso'y nakaramdam ng sobrang sakit
Ano ba ang nais mong ipahiwatig
Pagkat taliwas ang iyong pag awit sa nais kong marinig

Mahal, sa aking pagtatapos kasabay ng pagpahid ng mga luhang muli ko na namang isisilid,
Habang maaga pa, Habang kaya ko pa...sabihin mo na...
Sabihin mo na kung hanggang kelan ako aasa.
Kung hanggang kailan magpapanik-panoag itong mga luhang
Nakaabang na sa garapon, inaabangan ng garapon
Habang ang mga mata'y may iluluha pa
Sabihin mo mahal,
Gigisingin mo pa ba ulit sila?

Kaunti nalang, kaunti (spoken word)

Kaunti nalang, kaunti
Makakalimot din

Malilimutan ding ika'y minsang nakatabi,
Nahawakan iyong pisngi
Mga kamay mo't binti
Kaunti nalang kaunti...

Malilimutan din!

Ang boses mong kay lamig
Ang yakap mong kay init
Mga titig mong nakakatunaw
Halakhak mong nangingibabaw
Kaunti nalang kaunti
Malilimutan din

Malilimutan ko rin na minsan mo akong pinangiti
Pinahid mga luha't pinatahan ng parang bata
Pinuno mo ng tuwa itong puso kong sumigla
Itinuro mong sapat ang pag-ibig

Pero...

Pero nalimutan mong sabihin na minsa'y hindi talaga...
Na hindi talaga sapat na mahal mo lang ako
Pagkat sa araw araw na wala ka sa tabi ko,
Muling nanghihina ang aking puso,
Hinahanap hanap ang kabiyak nito

Minsa'y hindi sasapat na ang alam ko lamang ay mahal mo ako
Pagkat minsa'y mas makabubuting ipinadarama rin ito

Kaya kaunti nalang kaunti...

Isang araw

Oras

Isang minuto,

Isang segundo

Isnag segundo pa ng hindi mo sa akin pag- alala, malilimutan na kita..

Kaunti nalang kaunti
Mahal, may segundo ka pa.