Martes, Disyembre 15, 2015

Kaunti nalang, kaunti (spoken word)

Kaunti nalang, kaunti
Makakalimot din

Malilimutan ding ika'y minsang nakatabi,
Nahawakan iyong pisngi
Mga kamay mo't binti
Kaunti nalang kaunti...

Malilimutan din!

Ang boses mong kay lamig
Ang yakap mong kay init
Mga titig mong nakakatunaw
Halakhak mong nangingibabaw
Kaunti nalang kaunti
Malilimutan din

Malilimutan ko rin na minsan mo akong pinangiti
Pinahid mga luha't pinatahan ng parang bata
Pinuno mo ng tuwa itong puso kong sumigla
Itinuro mong sapat ang pag-ibig

Pero...

Pero nalimutan mong sabihin na minsa'y hindi talaga...
Na hindi talaga sapat na mahal mo lang ako
Pagkat sa araw araw na wala ka sa tabi ko,
Muling nanghihina ang aking puso,
Hinahanap hanap ang kabiyak nito

Minsa'y hindi sasapat na ang alam ko lamang ay mahal mo ako
Pagkat minsa'y mas makabubuting ipinadarama rin ito

Kaya kaunti nalang kaunti...

Isang araw

Oras

Isang minuto,

Isang segundo

Isnag segundo pa ng hindi mo sa akin pag- alala, malilimutan na kita..

Kaunti nalang kaunti
Mahal, may segundo ka pa.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento