Martes, Setyembre 19, 2017
Ganito pala ang pakiramdam ng magmahal ng tulad mo
Nakatanikala
Sa masasayang ala-ala
Sa mga makaagaw hinigang eksena
Sa mga bagay na hindi ko inakalang mararanasan ko pala
Sa mga lugar na akala ko noon hanggang tanaw ko nalang
Na parang ikaw
Na hanggang ngayon, tinatanaw ko nalang
Nakagapos ako
Nakagapos parin
sa mga salitang sana, dapat, sayang
Kaya heto ako,
Nabubuhay sa sugat na iniwan mo
Na wala namang dapat sugat kasi wala namang naging "tayo"
Ako lang talaga tong asadong siopao dito na patay na patay sayo
Na sa dinami rami ng tao na papangarapin ko
Hindi ko alam kung bakit sa yo pa nahulog
Kaya
Ganito pala ang pakiramdam ng mahalin ang tulad mo
Ang lamunin ng dagat sabay hiyaw ng ...
Saklolo, narito ako!
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento