Ngayon nalang ulit - pumatak
Itong mga luhang kay tagal kong tinipid,
Pinigil kong mailabas
Dahil umiiwas ako sa sakit.
Muli kong narinig ang iyong tinig, pero imbis na matuwa at magalak
Ay nagismula na namang magsibagsakan mula sa kawalan ang mga luhang kay tagal kong tinipid
Isinilid sa garapon ng katahimikan pero heto na naman at muli mong ginising
Ang dati mong tinig na puno ng pag ibig
Ay nagmimistulan na lamang isang alingawngaw na natagalan bago makabalik
Ginawa akong manhid ng iyong tinig
Na dati'y kay tamis
Ang mga salitang naririnig dati'y kay tamis!
Ngayo'y ang lamig... Kakaiba't tila hindi na muling magkakahimig
Itong mga luha
Na paisa isa ,
Maya maya'y nagdadalawa
Tatlo
Apat
Lima
Hanggang sa hindi ko na mabilang
Ay muling nagkamuwanag, muli mong ginising, muli mong binuhay mula sa pagkakahimlay
Kaya itong mga luha ay walang humpay sa pagdaloy pagkat ang puso'y nakaramdam ng sobrang sakit
Ano ba ang nais mong ipahiwatig
Pagkat taliwas ang iyong pag awit sa nais kong marinig
Mahal, sa aking pagtatapos kasabay ng pagpahid ng mga luhang muli ko na namang isisilid,
Habang maaga pa, Habang kaya ko pa...sabihin mo na...
Sabihin mo na kung hanggang kelan ako aasa.
Kung hanggang kailan magpapanik-panoag itong mga luhang
Nakaabang na sa garapon, inaabangan ng garapon
Habang ang mga mata'y may iluluha pa
Sabihin mo mahal,
Gigisingin mo pa ba ulit sila?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento