Martes, Setyembre 19, 2017

Ganito pala ang pakiramdam ng magmahal ng tulad mo Nakatanikala Sa masasayang ala-ala Sa mga makaagaw hinigang eksena Sa mga bagay na hindi ko inakalang mararanasan ko pala Sa mga lugar na akala ko noon hanggang tanaw ko nalang Na parang ikaw Na hanggang ngayon, tinatanaw ko nalang Nakagapos ako Nakagapos parin sa mga salitang sana, dapat, sayang Kaya heto ako, Nabubuhay sa sugat na iniwan mo Na wala namang dapat sugat kasi wala namang naging "tayo" Ako lang talaga tong asadong siopao dito na patay na patay sayo Na sa dinami rami ng tao na papangarapin ko Hindi ko alam kung bakit sa yo pa nahulog Kaya Ganito pala ang pakiramdam ng mahalin ang tulad mo Ang lamunin ng dagat sabay hiyaw ng ... Saklolo, narito ako!

Miyerkules, Setyembre 21, 2016

Malaya ka, Ako Hindi

Malaya ang pag-ibig Malayang umibig Malayang masaktan Malayang manakit Malayang tanawin ang mga bagay sa paligid May kalayaang magpa-alala ng hapdi, gigil, pait. Buong pusong sinalubong ang malaya mong pagdating Na akala ko noo'y mananatiing hindi magagapi Subalit malaya ang pag-ibig Malaya kang umalis Lumisan nang walang pangako ng pagbabalik Pagdating mo'y kay bilis Pagtalikod mo'y kay bilis din Kaya ngayon, Saan kita hahanapin Saang parte ng himpapawid Kung bakit ba kasi malaya Kung bakit ba kasi lumaya Iginapos naman kita sa tali ng pag-ibig Ngunit pilit pa ring nagpumiglas ang puso mo't isip At mas piniling lumipad Hinayaan akong lamunin ng panaginip Malaya ang pag-big Malayang maglagalag at hanapin ang sarili Malayang makipagkilala sa iba pang uri ng pag-ibig At malaya ring limutin ang nakasanayang tinig Malaya ka Pero hindi parin kitag kayan palayain Pagkat itinuro mong maging malaya Pero hindi ko natutunan ang magparaya Kaya't martir mang ituring, hihintayin parin kita. Maghihintay sa tuwina Hanggang ang kalayaan ay hindi ko na kilala.

Lunes, Mayo 2, 2016

Si Nag-iisa

Nang ang NAGMAMAHAL ay naging NAG-IISA, Bumigat ang kanyang mga paa, Nawala ang dating saya Hindi na makitaan ng dating sigla Ipinipikit na niya ang kanyang mga mata Tuwing daraanan ang dating tagpuan Ang dating kinakainan Ang dating lugar na masaya nilang nilalampasan Ang mga lugar na At ngayon, ang nag iisa ay nanatiling mag-isa Ipinipikit parin ang mga mata Sa tuwing daraanan ang mga lugar na dating puno ng pagmamahalan Na dating makabuluhan Minsan natanong ko sa sarili ko, Pumikit rin kaya sia Naiisip niya rin kaya ako Paano ang mga lugar naming dalawa Mayroon parin kayang halaga sa kanya Kung magkaganun mang wala na,

Lunes, Abril 25, 2016

Every day I die

After long years,
He's still in love with me,
And I fell in love with him again - the one I've hurt before
The one who hated me the most
We become together again.
Hoping that our love story will have a happy ending

But for those around us,
There should never be a second chance
For a liar
For a cheater like me
There is no room for second chance, they shouted
But for him, that's totally fine
He doesn't care

Until, he suddenly forgot to hold my hand
To touch my face
To kiss my hand
To be the same as he promises to be
To be the one who will never go away from me
Until one day, he listened to them
He's slowly changing his mind,
His thoughts, his heart
Until one day, I know him no more
The saddest thing is,
I fear that one day he'll go to me and tell the same thing his friends said against me
That I am a liar,
A cheater..and should not have given the second chance

I fell in love again with the one I've hurt before
I fell in love with the one who hated me the most
And I can't resist..
Coz even he's a;ready out of my life,
I'll still fall in love with him, again and again,
Coz I learned to love him the hard way
And it will be the hardest to forget him
Coz he never thought me how

I fell in love again with the one I've hurt before
And every day, I die.
Nung bata ako,
Takot na takot akong sumakay sa escalator
Pag nasa mall, tapos kailangang umakyat sa mas mataas na palapag,
Mas minabubuti kong gumamit nalang ng hagdan
kasi ang tuhod ko't mga paa ay hindi pa ganoon katatag
Hindi pa ganun ka panatag
Hanggang sa isang beses,
Sinubukan ko,
Kumapit ako ng mahigpit sa kamay ni tatay
Dahan dahan kaming inakyat ng escalator At tandang tanda ko nun,
Nanginginig ang mga tuhod ko't kalamnan
Pero masaya akong nakangiti nang makaabot sa paroroonan
Kasi hindi binitiwan ni tatay ang aking mga kamay Itong mga kamay,
Na ganun din kahigpit mong hinahawakan pag nasa mall tayo
Pag naka sakay sa escaltor habang nakaakbay Nawawala yung takot ko pag hinahawakan mo ko Nawawala yung kaba ko pag nginingitian mo ko Nawawala lahat ng pangamba sa puso ko pag ikaw ang nasa tabi ko Natutunan kitang mahalin Pero bakit ganun Bakit ngayon pag aakyat tayo ng escalator, di mo na mahawakan ang mga kamay ko, Nanginginig na ulit yung tuhod ko Kasi di kna nagsasalita pag naglalakad tayo Anong meron mahal ko Minsan sabi ni tatay, Anak, kapit Pero tay pano ako kakapit kung sia pabitaw na Kung kelan ok na ko Sia naman tong nanlamig na

Lunes, Abril 18, 2016

Nung Araw na Dumating Ka (Spoken word)

Nung araw na dumating ka sa buhay ko
Isa lamang iyong ordinaryong araw sa kalendaryo
Na hindi ko minarkahan kasi wala namang espesyal na okasyon para bilugan ko yun

Nung araw na dumating ka,
Nakakain naman ako nang maayos,
nalunok ko naman ang kinakain ko at di ako nabulunan.

Nung araw na dumating ka, nakatulog ako ng mahimbing
kasi wala namang dahilan para magising sa madaling araw at magdamag kang isipin.

Nung araw na dumating ka,
Hindi ka isang artista na pinilihan ko't nagkandarapang makausap makita
Isa ka lang libro na nakatambak sa aklatan ko at hindi ko kailanman maiisipang buksan ang mga pahina nito.

Isa kang pelikula na hinding hindi ko panonoorin
Kasi isa kang horror movie
Nakakatakot kang mahalin
Baka kasi pagkatapos ng palabas o di kaya'y sa kalagitnaan pa lang ay bigla akong himatayin

Isa kang damit
na hinding hindi ko susuotin kasi maluwag o di kaya nama'y bitin

Isa kang sapatos na hindi ko rin susuotin
Kasi ayoko ng kulay, ayoko sa tingin.

Nung araw na dumating ka,
Wala, wala talaga!

Nung araw na dumating ka, walang espesyal sa ating pagkikita
Pero matapos ang araw na dumating ka,
Nagbalik ka
Nanatili
Hindi ka umalis
Paulit-ulit kang nagpakita.
Sa paligid ko'y nanatili ka.
Iyang mga ngiti
Iyang mga titig
Hindi sa akin mawaglit

Hindi ko alam kung sadya bang palakaibigan ka lamang O di kaya nama'y gusto mo lang talaga akong pagtripan Pero ano man ang 'yong dahilan, alam mo bang wala na akong pakialam? Kasi ngayon,gustong gusto ko nang minamarkahan ang bawat petsa sa kalendaryo.
Bawat petsang magkasama tayo.
Gustong gusto ko nang bilugan ang bawat numero ng mga araw na nginingitian at tinititigan mo ako
Nakakain naman ako nang maayos,
nalulunok ko pa naman ang mga kinakain ko pero paminsan minsa'y nabubulunan na ako.
Pati kasi sa hapag kainan ay naalala ko ang mga ngiti mo, kaya napapangiti narin ako.

Nakakatulog pa naman ako sa gabi pero hindi na ganoon kahimbing
Bigla bigla nalang kasi akong nagigising tapos titingala sa kisame at mapapangiti
Madalas na kasi akong managinip
Managinip nang kasama ka, na sana'y totoo, sana'y magkatotoo pa.

Nung araw na nanatili ka,
Nahigitan mo pa ang isang artista na pipilahan makausap makita
Isa ka na ngayong libro na hindi na natutulog sa aklatan ko Kasi gustong gusto ko nang buklatin ang bawat pahina mo, gustong gusto ko nang tuklasin at bawat kuwit at tuldok nito Wala mang makikitang mga litrato, babasahin at babasahin ko parin.

Isa kang pelikula na ngayon ay handa ko nang panonoorin
Kahit horror movie ka pa, samahan mo pa ng maligno, engkanto, tiktik manananggal at kung ano ano pa
Hinding hindi na ako matatakot na mahalin ka, este panoorin ka
At tatapusin ko ang palabas, kahit gaano man to kahina,(turo sa puso) Hindi ako hihimatayin, matatakot siguro sa una pero matutunan kong kontrolin ang bawat paghinga kasama ka

Ngayo'y isa ka nang damit
na paulit uli ko nang susuotin maluwag man o di kaya nama'y bitin

Isa ka nang sapatos na kahihiligan kong suotin
Kahit ayoko ng kulay pero maganda rin pala sa paningin.

Matutuhan kong gawin ang mga bagay na dati'y hindi ko kayang gawin, mahalin

Nung araw na dumating ka, ibang iba yun sa araw na nanatili ka
Nung araw na nanatili ka, ayaw ko nang magbalik sa mga araw na wala ka

Kaya nga itong tula, ay di ko na alam kung paano wakasan pa
Kasi walang wakas
Walang wakas sa ating istorya
At kung sakali mang dumating ang pagkakataon na sadyain ng tadhanang tuldukan ang dulo ng ating mga salita
Isa lamang aking pakiusap sinta
Ikaw nalang ang magmarka
sa araw na ikay mapagod na
Kasi ako, patuloy ko paring mamarkahan ang bawat petsa na sa ala-ala ko'y nanatili ka.
Ikaw man ay mag-iba.

Linggo, Marso 27, 2016

Hoy, Makinig ka!

Gusto kong ipakita sayo na malakas ako
Gusto kong isipin mo na di ako apektado
Gusto kong iparamdam sayo na okay lang ako
Ta mo, nakakangiti na ko...
Ngingiti at ngingit lang ako
Kasi ayaw kong makita mong nanghihina ako
Hinang hina ako
Pero hinding hindi ko yun ipapaalam sayo
Kasi ayaw kong maging talunan sa laban na to
Ako ang iniwan
Pero hindi ako talunan

Kasi dadating ang panahon
Na malalaman mong isa akong malaking kawalan
Hanggang dito nalang paalam!

P.S. Pakasaya ka!