Nung bata ako,
Takot na takot akong sumakay sa escalator
Pag nasa mall, tapos kailangang umakyat sa mas mataas na palapag,
Mas minabubuti kong gumamit nalang ng hagdan
kasi ang tuhod ko't mga paa ay hindi pa ganoon katatag
Hindi pa ganun ka panatag
Hanggang sa isang beses,
Sinubukan ko,
Kumapit ako ng mahigpit sa kamay ni tatay
Dahan dahan kaming inakyat ng escalator
At tandang tanda ko nun,
Nanginginig ang mga tuhod ko't kalamnan
Pero masaya akong nakangiti nang makaabot sa paroroonan
Kasi hindi binitiwan ni tatay ang aking mga kamay
Itong mga kamay,
Na ganun din kahigpit mong hinahawakan pag nasa mall tayo
Pag naka sakay sa escaltor habang nakaakbay
Nawawala yung takot ko pag hinahawakan mo ko
Nawawala yung kaba ko pag nginingitian mo ko
Nawawala lahat ng pangamba sa puso ko pag ikaw ang nasa tabi ko
Natutunan kitang mahalin
Pero bakit ganun
Bakit ngayon pag aakyat tayo ng escalator,
di mo na mahawakan ang mga kamay ko,
Nanginginig na ulit yung tuhod ko
Kasi di kna nagsasalita pag naglalakad tayo
Anong meron mahal ko
Minsan sabi ni tatay,
Anak, kapit
Pero tay pano ako kakapit kung sia pabitaw na
Kung kelan ok na ko
Sia naman tong nanlamig na
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento