Miyerkules, Setyembre 21, 2016
Malaya ka, Ako Hindi
Malaya ang pag-ibig
Malayang umibig
Malayang masaktan
Malayang manakit
Malayang tanawin ang mga bagay sa paligid
May kalayaang magpa-alala ng hapdi, gigil, pait.
Buong pusong sinalubong ang malaya mong pagdating
Na akala ko noo'y mananatiing hindi magagapi
Subalit malaya ang pag-ibig
Malaya kang umalis
Lumisan nang walang pangako ng pagbabalik
Pagdating mo'y kay bilis
Pagtalikod mo'y kay bilis din
Kaya ngayon,
Saan kita hahanapin
Saang parte ng himpapawid
Kung bakit ba kasi malaya
Kung bakit ba kasi lumaya
Iginapos naman kita sa tali ng pag-ibig
Ngunit pilit pa ring nagpumiglas ang puso mo't isip
At mas piniling lumipad
Hinayaan akong lamunin ng panaginip
Malaya ang pag-big
Malayang maglagalag at hanapin ang sarili
Malayang makipagkilala sa iba pang uri ng pag-ibig
At malaya ring limutin ang nakasanayang tinig
Malaya ka
Pero
hindi parin kitag kayan palayain
Pagkat itinuro mong maging malaya
Pero hindi ko natutunan ang magparaya
Kaya't martir mang ituring, hihintayin parin kita.
Maghihintay sa tuwina
Hanggang ang kalayaan ay hindi ko na kilala.
Mag-subscribe sa:
I-post ang Mga Komento (Atom)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento