Martes, Disyembre 15, 2015

Hinagpis ng Kabiyak (spoken word)

Nov.28,2015

Muli kong susuungin ang bukas na wala ka
Kahit sa puso koy laging narito ka

Muli kong ititikom itong pagsinta para sa bagong simula
Kahit alam kong mahirap ang panimula.
Masakit..oo masakit.

Pero teka, paano nga ba talaga ako magsisimula?
Paano nang hindi ka kasama?
Paano ako babangon sa umaga
Kung wala ang iyong pangangamusta?
Paano ako tatawa,tulad ng pagnagpapatawa ka.
Paano ko ipagpapatuloy ang araw kung ni isang pagpaparamdam ay wala ka.
Paano ako tutulog kung wala kang good night at mahal kita.

Mahal paano..paano ko kakayanin ang lungkot.

Paano mahal ko?

Paano ko maipapakita sa iyo ang tunay na pagmamahal
Pagkat kung umiiyak ang puso mo'y humahagulgol ang kabiyak nito.

Hanggang sa Muli (spoken word)

Naghintay ako
Naghihintay ako
Maghihintay ako

Na ika'y muling masilayan
Masulyapan
Mahawakan
Na maramdaman muli ang init ng iyong halik
Higpit ng yakap, tamis ng iyong ngiti.

Naghintay ako
sa nakaraang malabo
Na sa panaginip lamang nagkakatotoo
Naghintay ako nang di mo alam
Nang di mo pansin
Naghintay ako hanggang sa sabihin mong muli na ako parin
Naghintay ako at nagkatotoo..
Nakapaghintay ako at ang puso'y muling nabuo.

Hanggang sa muli kang lumisan Nilisan mo na namana ako, Iniwan sa kalagitnaan ng daan Kasabay ng walang pangako ng pagbabalik
Pero heto parin ako
Muling naghihintay sa'yo

Naghihintay
Na balikan mong muli
Na muli kang magbalik, mulit muli
Dahil naghintay ako
Nakapag hintay ako, at naghihintay muli ako
Na mapadalas pa ang minsan
Na mas mapahaba pa ang paglalaboy natin sa daan
Naghihintay ako sa mas malayang pagngiti
Pagsasamang walang pag aatubili

Maghihintay ako sa pangako mong pag-ibig
Sa tamang panahong sa ati'y maglalapit...magbibikis...
Maghihintay ako hanggang puso ko'y mahanap mong muli.
Maghihintay at maghihintay ako sa tamang panahon hanggang sa panahon na ang sumuko
Pero teka, hindi dapat ako sumuko
Oo tama, hindi ako susuko pagkat...

Hanggang Sa muli mong pagbalik
Hanggang
Sa wala nang salitang paglisan at pangambang hindi kana makabalik.
Naghintay naghihintay at maghihintay parin ako
Kahit ayaw mo na
kahit suko ka na
Maghihintay parin ako, kasi sa pagkakaalam ko, akin ka!

Gigisingin mo pa ba ulit sila? (spoken word)

Ngayon nalang ulit - pumatak
Itong mga luhang kay tagal kong tinipid,
Pinigil kong mailabas
Dahil umiiwas ako sa sakit.

Muli kong narinig ang iyong tinig, pero imbis na matuwa at magalak
Ay nagismula na namang magsibagsakan mula sa kawalan ang mga luhang kay tagal kong tinipid
Isinilid sa garapon ng katahimikan pero heto na naman at muli mong ginising

Ang dati mong tinig na puno ng pag ibig
Ay nagmimistulan na lamang isang alingawngaw na natagalan bago makabalik
Ginawa akong manhid ng iyong tinig
Na dati'y kay tamis
Ang mga salitang naririnig dati'y kay tamis!
Ngayo'y ang lamig... Kakaiba't tila hindi na muling magkakahimig

Itong mga luha
Na paisa isa ,
Maya maya'y nagdadalawa
Tatlo
Apat
Lima
Hanggang sa hindi ko na mabilang

Ay muling nagkamuwanag, muli mong ginising, muli mong binuhay mula sa pagkakahimlay
Kaya itong mga luha ay walang humpay sa pagdaloy pagkat ang puso'y nakaramdam ng sobrang sakit
Ano ba ang nais mong ipahiwatig
Pagkat taliwas ang iyong pag awit sa nais kong marinig

Mahal, sa aking pagtatapos kasabay ng pagpahid ng mga luhang muli ko na namang isisilid,
Habang maaga pa, Habang kaya ko pa...sabihin mo na...
Sabihin mo na kung hanggang kelan ako aasa.
Kung hanggang kailan magpapanik-panoag itong mga luhang
Nakaabang na sa garapon, inaabangan ng garapon
Habang ang mga mata'y may iluluha pa
Sabihin mo mahal,
Gigisingin mo pa ba ulit sila?

Kaunti nalang, kaunti (spoken word)

Kaunti nalang, kaunti
Makakalimot din

Malilimutan ding ika'y minsang nakatabi,
Nahawakan iyong pisngi
Mga kamay mo't binti
Kaunti nalang kaunti...

Malilimutan din!

Ang boses mong kay lamig
Ang yakap mong kay init
Mga titig mong nakakatunaw
Halakhak mong nangingibabaw
Kaunti nalang kaunti
Malilimutan din

Malilimutan ko rin na minsan mo akong pinangiti
Pinahid mga luha't pinatahan ng parang bata
Pinuno mo ng tuwa itong puso kong sumigla
Itinuro mong sapat ang pag-ibig

Pero...

Pero nalimutan mong sabihin na minsa'y hindi talaga...
Na hindi talaga sapat na mahal mo lang ako
Pagkat sa araw araw na wala ka sa tabi ko,
Muling nanghihina ang aking puso,
Hinahanap hanap ang kabiyak nito

Minsa'y hindi sasapat na ang alam ko lamang ay mahal mo ako
Pagkat minsa'y mas makabubuting ipinadarama rin ito

Kaya kaunti nalang kaunti...

Isang araw

Oras

Isang minuto,

Isang segundo

Isnag segundo pa ng hindi mo sa akin pag- alala, malilimutan na kita..

Kaunti nalang kaunti
Mahal, may segundo ka pa.

Lunes, Nobyembre 9, 2015

Limang Taon (spoken word)

Limang taon
Limang taon akong nakuntentong pasulyap sulyang lamang sa iyo

Limang taon
Limang taon kong tiniis ang lungkot sa tuwing wala ka sa tabi ko

Limang taon
Limang taon kong itinago ang tunay na tinitibok ng aking puso

Na sa loob ng limang taon, natutunan kong ipanalangin na sana mangyaring ika'y maging akin
Yung sana dumating ang araw na malaya kong namamasdan ang bawat kilos mo, ang bawat paggalaw ng iyong mga mata,ng iyong ulo, kamay, paa at ng buong ikaw

Yung sana, dumating yung araw na malaya kitang nakakausap o di kaya'y kahit mangitian man lamang
Na sana isang araw sabay tayong naglalakad nang magkahawak ang mga kamay.
Na sana niyayakap mo ako ng mahigpit habang inaawitan ng paborito mong awit.
Na sana..sana narito ka sa aking tabi..nakatitig sa aking mga mata, sabay hahawakan ang aking mga kamay at hahalikan nang nakangiti't sumasabog sa tuwa ang aking puso sabay bigla mo pang sasabihing "Mahal na mahal kita."

Limang taon, limang taon akong nililipad ng aking imahinasyon patungo sa reyalidad na imposible ang lahat
Pero limang taon, limang taon kong binuhay sa puso't isip ko na totoo ka at posibleng maging ikaw at ako
Kaya naman limang taon akong naghintay...naghintay sa tamang panahon...

At kahapon, nagwakas ang limang taon.

Sabado, Nobyembre 7, 2015

Walang Bibitaw, Mahal Kita (spoken word)

Ito ang araw na hindi malilimutan ng sabik kong puso.
Ito ang araw na puno ng pag-ibig at pasasalamat sa iyo
Pagkat ito ang wakas ng pangamba na baka hindi ako ang gusto mo
Ito ang araw ng simula at pagpapatuloy ng ating kwento.

Pangatlong beses na ito ng ating pagkikita
Pangatlo pero pinakamasaya at pinakamahaba
Pagkat muli kong nahawakan ang iyong mga kamay, nagpalitan tayo ng kwento ng buhay
Inawit mo sa akin ang himig na iyong taglay
Himig ng pag-ibig na sa apoy nito'y bumubuhay.

Sa kislap ng iyong mga mata at tamis ng iyong ngiti,
Pakiramdam ko'y ako'y tila nananaginip
Niyayapos ng kapangyarihan ng imahinasyon subalit sa muli ko sa iyong pagtingin
Ako'y biglang nagising at nasigurong totoo ka't akin ngang kapiling

Sa mga pagkakataong iyo'y hindi parin ako makapaniwala
Na ang noon kong pangarap lamang ay nagkatotoo na
Ang makapiling ka ngayo'y hindi na isang telenobela
Pagkat ang makasama ka kahit 'sang saglit ay langit na.

Sa ngayo'y maaaring hindi pa tama ang lahat
Pero matutulog akong masaya pagkat sa pag-ibig walang makakaawat
Maaari ring ang ngayong pagkikita'y pansamantalang panghuli na
Pero ako'y umaasa na masusundan pa
At kung sakali mang hindi na, panghahawakan ko parin ang ipinangako mo kanina na
"Walang bibitaw, mahal kita."

Linggo, Nobyembre 1, 2015

Kasi Nga Mahal Kita (spoken word)

Nagtataka ka na naman, kung bakit narito ako’t hawak ang mga kamay mo
Kung bakit distansya ay hindi hadlang at hindi tayo mapaglalayo

Nagtataka ka na naman, kung bakit ang saya saya ko
Ngayong kasama kita kahit alam kong pansamantala lang ito.

Nagtataka ka na naman, kung paano ko nakakayanan ang lungkot at kung bat wala akong maramdamang poot
Sa tuwing sinasabi mong “hanggang sa muling pagkikita mahal ko”

Nagtataka ka na naman, kung bakit ang tatag ko at kung bakit hanggang ngayo’y hindi ko alam ang salitang pagsuko

Nagtataka ka na naman, kung bakit patuloy itong pag ibig
Na kahit bagyuhin ng unos ay patuloy na titindig
May dapat bang ipagtaka, may dapat bang ipag-alala

Kasi kung ako ang tatanungin ay wala,wala talaga. 

Kaya maniwala ka pag sinabi kong mahalaga ka, 
Maniwala ka pag sinabi kong hihintayin kita.
Kasi mahal, dalawang salita lamang ang ibig pakahulugan ng lahat ng ito, 
Mahal kita. Mahal - kita!

Kaya walang dapat ipagtaka kasi nga mahal kita.