Nov.26,2015
Nakasama kita
Muli't muli ,nakasama kita..
Sa ganoong di inaasahang pagkakatao'y wala akong nagawa kundi ika'y pagmasdan
At damhin ang init na walang paglagyan
Halos ayaw na kitang bitawan..
Lalo pa ngayo't alam ko nang ako'y iyo lamang
Kung isa iyong panaginip ay ayaw ko nang magising
Nakasama kita,nakapiling
Nahawakan iyong mga kamay
Ika'y nakaakbay
Nasilayang muli ang kislap ng iyong mga mata
Narinig ang boses mong kaylamig
Walang patid..itong pagpintig pagkat kay lalim na nitong pag ibig
Himig mo'y kay sarap pakinggan.
Hanggang sa muling pagkikita
Pansamanatalang paalam!
Martes, Disyembre 15, 2015
Hinagpis ng Kabiyak (spoken word)
Nov.28,2015
Muli kong susuungin ang bukas na wala ka
Kahit sa puso koy laging narito ka
Muli kong ititikom itong pagsinta para sa bagong simula
Kahit alam kong mahirap ang panimula.
Masakit..oo masakit.
Pero teka, paano nga ba talaga ako magsisimula?
Paano nang hindi ka kasama?
Paano ako babangon sa umaga
Kung wala ang iyong pangangamusta?
Paano ako tatawa,tulad ng pagnagpapatawa ka.
Paano ko ipagpapatuloy ang araw kung ni isang pagpaparamdam ay wala ka.
Paano ako tutulog kung wala kang good night at mahal kita.
Mahal paano..paano ko kakayanin ang lungkot.
Paano mahal ko?
Paano ko maipapakita sa iyo ang tunay na pagmamahal
Pagkat kung umiiyak ang puso mo'y humahagulgol ang kabiyak nito.

Hanggang sa Muli (spoken word)
Naghintay ako
Naghihintay ako
Maghihintay ako
Na ika'y muling masilayan
Masulyapan
Mahawakan
Na maramdaman muli ang init ng iyong halik
Higpit ng yakap, tamis ng iyong ngiti.
Naghintay ako
sa nakaraang malabo
Na sa panaginip lamang nagkakatotoo
Naghintay ako nang di mo alam
Nang di mo pansin
Naghintay ako hanggang sa sabihin mong muli na ako parin
Naghintay ako at nagkatotoo..
Nakapaghintay ako at ang puso'y muling nabuo.
Hanggang sa muli kang lumisan Nilisan mo na namana ako, Iniwan sa kalagitnaan ng daan Kasabay ng walang pangako ng pagbabalik
Pero heto parin ako
Muling naghihintay sa'yo
Naghihintay
Na balikan mong muli
Na muli kang magbalik, mulit muli
Dahil naghintay ako
Nakapag hintay ako, at naghihintay muli ako
Na mapadalas pa ang minsan
Na mas mapahaba pa ang paglalaboy natin sa daan
Naghihintay ako sa mas malayang pagngiti
Pagsasamang walang pag aatubili
Maghihintay ako sa pangako mong pag-ibig
Sa tamang panahong sa ati'y maglalapit...magbibikis...
Maghihintay ako hanggang puso ko'y mahanap mong muli.
Maghihintay at maghihintay ako sa tamang panahon hanggang sa panahon na ang sumuko
Pero teka, hindi dapat ako sumuko
Oo tama, hindi ako susuko pagkat...
Hanggang Sa muli mong pagbalik
Hanggang
Sa wala nang salitang paglisan at pangambang hindi kana makabalik.
Naghintay naghihintay at maghihintay parin ako
Kahit ayaw mo na
kahit suko ka na
Maghihintay parin ako, kasi sa pagkakaalam ko, akin ka!

Gigisingin mo pa ba ulit sila? (spoken word)
Ngayon nalang ulit - pumatak
Itong mga luhang kay tagal kong tinipid,
Pinigil kong mailabas
Dahil umiiwas ako sa sakit.
Muli kong narinig ang iyong tinig, pero imbis na matuwa at magalak
Ay nagismula na namang magsibagsakan mula sa kawalan ang mga luhang kay tagal kong tinipid
Isinilid sa garapon ng katahimikan pero heto na naman at muli mong ginising
Ang dati mong tinig na puno ng pag ibig
Ay nagmimistulan na lamang isang alingawngaw na natagalan bago makabalik
Ginawa akong manhid ng iyong tinig
Na dati'y kay tamis
Ang mga salitang naririnig dati'y kay tamis!
Ngayo'y ang lamig... Kakaiba't tila hindi na muling magkakahimig
Itong mga luha
Na paisa isa ,
Maya maya'y nagdadalawa
Tatlo
Apat
Lima
Hanggang sa hindi ko na mabilang
Ay muling nagkamuwanag, muli mong ginising, muli mong binuhay mula sa pagkakahimlay
Kaya itong mga luha ay walang humpay sa pagdaloy pagkat ang puso'y nakaramdam ng sobrang sakit
Ano ba ang nais mong ipahiwatig
Pagkat taliwas ang iyong pag awit sa nais kong marinig
Mahal, sa aking pagtatapos kasabay ng pagpahid ng mga luhang muli ko na namang isisilid,
Habang maaga pa, Habang kaya ko pa...sabihin mo na...
Sabihin mo na kung hanggang kelan ako aasa.
Kung hanggang kailan magpapanik-panoag itong mga luhang
Nakaabang na sa garapon, inaabangan ng garapon
Habang ang mga mata'y may iluluha pa
Sabihin mo mahal,
Gigisingin mo pa ba ulit sila?

Kaunti nalang, kaunti (spoken word)
Kaunti nalang, kaunti
Makakalimot din
Malilimutan ding ika'y minsang nakatabi,
Nahawakan iyong pisngi
Mga kamay mo't binti
Kaunti nalang kaunti...
Malilimutan din!
Ang boses mong kay lamig
Ang yakap mong kay init
Mga titig mong nakakatunaw
Halakhak mong nangingibabaw
Kaunti nalang kaunti
Malilimutan din
Malilimutan ko rin na minsan mo akong pinangiti
Pinahid mga luha't pinatahan ng parang bata
Pinuno mo ng tuwa itong puso kong sumigla
Itinuro mong sapat ang pag-ibig
Pero...
Pero nalimutan mong sabihin na minsa'y hindi talaga...
Na hindi talaga sapat na mahal mo lang ako
Pagkat sa araw araw na wala ka sa tabi ko,
Muling nanghihina ang aking puso,
Hinahanap hanap ang kabiyak nito
Minsa'y hindi sasapat na ang alam ko lamang ay mahal mo ako
Pagkat minsa'y mas makabubuting ipinadarama rin ito
Kaya kaunti nalang kaunti...
Isang araw
Oras
Isang minuto,
Isang segundo
Isnag segundo pa ng hindi mo sa akin pag- alala, malilimutan na kita..
Kaunti nalang kaunti
Mahal, may segundo ka pa.

Lunes, Nobyembre 9, 2015
Limang Taon (spoken word)
Limang taon
Limang taon akong nakuntentong pasulyap sulyang lamang sa iyo
Limang taon
Limang taon kong tiniis ang lungkot sa tuwing wala ka sa tabi ko
Limang taon
Limang taon kong itinago ang tunay na tinitibok ng aking puso
Na sa loob ng limang taon, natutunan kong ipanalangin na sana mangyaring ika'y maging akin
Yung sana dumating ang araw na malaya kong namamasdan ang bawat kilos mo, ang bawat paggalaw ng iyong mga mata,ng iyong ulo, kamay, paa at ng buong ikaw
Yung sana, dumating yung araw na malaya kitang nakakausap o di kaya'y kahit mangitian man lamang
Na sana isang araw sabay tayong naglalakad nang magkahawak ang mga kamay.
Na sana niyayakap mo ako ng mahigpit habang inaawitan ng paborito mong awit.
Na sana..sana narito ka sa aking tabi..nakatitig sa aking mga mata, sabay hahawakan ang aking mga kamay at hahalikan nang nakangiti't sumasabog sa tuwa ang aking puso sabay bigla mo pang sasabihing "Mahal na mahal kita."
Limang taon, limang taon akong nililipad ng aking imahinasyon patungo sa reyalidad na imposible ang lahat
Pero limang taon, limang taon kong binuhay sa puso't isip ko na totoo ka at posibleng maging ikaw at ako
Kaya naman limang taon akong naghintay...naghintay sa tamang panahon...
At kahapon, nagwakas ang limang taon.

Sabado, Nobyembre 7, 2015
Walang Bibitaw, Mahal Kita (spoken word)
Ito ang araw na hindi malilimutan ng sabik kong puso.
Ito ang araw na puno ng pag-ibig at pasasalamat sa iyo
Pagkat ito ang wakas ng pangamba na baka hindi ako ang gusto mo
Ito ang araw ng simula at pagpapatuloy ng ating kwento.
Pangatlong beses na ito ng ating pagkikita
Pangatlo pero pinakamasaya at pinakamahaba
Pagkat muli kong nahawakan ang iyong mga kamay, nagpalitan tayo ng kwento ng buhay
Inawit mo sa akin ang himig na iyong taglay
Himig ng pag-ibig na sa apoy nito'y bumubuhay.
Sa kislap ng iyong mga mata at tamis ng iyong ngiti,
Pakiramdam ko'y ako'y tila nananaginip
Niyayapos ng kapangyarihan ng imahinasyon subalit sa muli ko sa iyong pagtingin
Ako'y biglang nagising at nasigurong totoo ka't akin ngang kapiling
Sa mga pagkakataong iyo'y hindi parin ako makapaniwala
Na ang noon kong pangarap lamang ay nagkatotoo na
Ang makapiling ka ngayo'y hindi na isang telenobela
Pagkat ang makasama ka kahit 'sang saglit ay langit na.
Sa ngayo'y maaaring hindi pa tama ang lahat
Pero matutulog akong masaya pagkat sa pag-ibig walang makakaawat
Maaari ring ang ngayong pagkikita'y pansamantalang panghuli na
Pero ako'y umaasa na masusundan pa
At kung sakali mang hindi na, panghahawakan ko parin ang ipinangako mo kanina na
"Walang bibitaw, mahal kita."

Linggo, Nobyembre 1, 2015
Kasi Nga Mahal Kita (spoken word)
Nagtataka ka na naman, kung bakit narito ako’t hawak ang mga kamay mo
Kung bakit distansya ay hindi hadlang at hindi tayo mapaglalayo
Nagtataka ka na naman, kung bakit ang saya saya ko
Ngayong kasama kita kahit alam kong pansamantala lang ito.
Nagtataka ka na naman, kung paano ko nakakayanan ang lungkot at kung bat wala akong maramdamang poot
Sa tuwing sinasabi mong “hanggang sa muling pagkikita mahal ko”
Nagtataka ka na naman, kung bakit ang tatag ko at kung bakit hanggang ngayo’y hindi ko alam ang salitang pagsuko
Nagtataka ka na naman, kung bakit patuloy itong pag ibig
Na kahit bagyuhin ng unos ay patuloy na titindig
May dapat bang ipagtaka, may dapat bang ipag-alala
Kasi kung ako ang tatanungin ay wala,wala talaga.
Kaya maniwala ka pag sinabi kong mahalaga ka,
Maniwala ka pag sinabi kong hihintayin kita.
Kasi mahal, dalawang salita lamang ang ibig pakahulugan ng lahat ng ito,
Mahal kita. Mahal - kita!
Kaya walang dapat ipagtaka kasi nga mahal kita.
Biyernes, Oktubre 30, 2015
My Existence (spoken word)
How will you ever feel that I’m a sister to you
When you don’t give me the chance to do it.
How will you ever feel that I care for you
When you always let me feel that you actually don’t care
How will you feel that I am always here willing to help you
When you always show that you can do it alone.
How will you be thankful of having me here
When you don’t appreciate those little things I do for you
How will you feel that I exist
When yo stop to understand why I’m here.
When will you realize that I am older than you
When you don’t even know the meaning of respect.
How will you ever feel that you are a brother to me
When you always think you are the strongest among us
How will you feel that you are lucky to exist
When you keep on bragging things around you
How will you feel that I do exist
When you are blind enough to care about me
How will you feel that I’m a daughter to you
When you look at me helpless and nothing
How will you feel that I really care
When you always show that you don’t
How will you feel that I am thankful of having you
When you don’t realize how important you are to me
How will you feel that I am doing everything just to please you
When you always think that I am weak enough to do it
How will you feel the pain in me
When you always think first the pain in you.
When will you ever think of God’s purpose of bringing me back home
When you always carry in your mind the darkness of my yesterday
When will you realize that life is short
To let you feel that I need a family and a home
I went back here because I beg God to bring me back to you
‘Coz one day in my past, I felt afraid of growing old without you
God granted my prayer to be with you once again
But when will you feel that it is over?
Naroon ka (spoken word)
Naroon ka
Nakatayo sa silid kung saan nagtama ang ating mga mata
Naroon ka
Nakaupo’t nakaharap sa lamesa kung saan ka sa akin nagpakilala
Nandun ka
Sa mga panahong kailangan kita
Mga panahong nagpakita ka ng kabutihan at pagpapahalaga
Habang pilit kong itinatago ang sa iyo’y tunay na pagsinta
Ayun ka,
Nasa malayong distansya pero tunaw na tunaw na
Palihim kang minamasid bitibit ang panalanging ako nalang sana
Hanggang sa wakas, ayun ka’t nagtapat at winikang ako sayo’y mahalaga
Sabay sinundan ng “mahal kita.” Mahal kita.
Mahal din kita.
Nakadama ako ng tunay na saya. Pakiramdam na ayaw ko nang mawala.
Pagkat, akin kana.
Pero isa dalawa tatlo, babalik ako sa ulirat at matatauhang naroon ka.
Naroon ka’t naglalakbay sa ‘king imahinasyon, bumubuo ng masasayang ala-ala
Naroon ka
Naroon ka
Sa aking panaginip na ang panaginip ay itong buong tula
Wala ka rito pagkat naroon ka
Naroon ka sa kahapon na matagal na dapat ibinaon
Kahapon na puno ng mga bagay na sinubukan kong malimot
Mga bagay na hindi na dapat inaalala pagkat sobrang sakit na, nakakapagod na
Nakakapagod nang paulit -uliting ako sa iyo’y bale wala
Na ang pagsabi mo ng mga katagang “mahal kita” ay isa lang palang guni-guni na pilit kong binuo sa kagustuhang mapaniwala ang sarili na akin ka na. Na akin ka talaga.
Kaya anong saysay ng pag alala sa iyo kung ang pag ungkat nito’y sa aking tuluyang magbabaon
Magbabaon patungo sa hukay ng lungkot at pagkadismaya
Kasi naman, sana hindi mo na tinangka, sana hindi mo na ginawa
Sana hindi mo na pinadama na ako sayo’y mahalaga
Sana hindi ako nagpakatanga at nagpaniwala
Para hindi ako nahihirapan ng ganito.
Kaya sabihin mo sa akin, paano ako uusad kung naroon ka pa
Naroon ka
Nakatayo sa silid kung saan nagtama ang ating mga mata
Naroon ka
Nakaupo’t nakaharap sa lamesa kung saan ka sa akin nagpakilala
Naroon ka sa aking pag gisisng
Sa aking pagtulong ikaw parin ang kapiling
Naroon ka, sa bawat hakbang ko
Sa bawat pag indak sa saliw ng paborito nating musiko
Naroon ka pero narito ako
Naroon ka hawak ang mga kamay ko
Narito ako pagkat binitawan mo
Narito ako at nandito ka pa
Nandito ka pa sa pagkatao kong lasog lasog na
Sa isip kong sabog na sabog na
Sa puso kong durog na durog na
Pusang gala! Bakit nandito ka pa?
Sa kahapon kong buo pa sana kung hindi ka nakilala.
Naroon ka pero bakit nandito ka pa?
Sabado, Setyembre 19, 2015
"SIMULA" (Liham ni Marilag)
Mahal,
Minsan ay sinubukan kong sumulat ng isang kwento..
Hanggang sa inabot ng maghapon ay walang nabuo
Yung tipong lumilipad ang istorya sa isip ko
Sa isip ko. At nanatili na lamang sa isip ko
Lumipas ang ilang araw, ilang buwan, ilang taon - nanatiling tikom ang aking kwento.
Subalit sa hindi inaasahang pagkakataon, nagtatalon ang aking puso sa tuwa nang makita ko ang blangkong papel na sa wakas ay may simula na.
Tulad ng ating istorya na nagsimula noon sa wala. Noong mga panahong normal na kadete lamang ang turing mo sa akin samantalang ako’y kilig na kilig sa panaginip na baka ako ay gusto mo rin.Sa iyong tindig at gilas ako’y napapatigil. Kapag ika’y sumisigaw na, mas lalo akong nahuhumaling. Na kapag oras nang humanay ay sasadyain kong magpahuli para ako’y iyong masita at matanim sa iyong isip ang aking mukha..At kapag nasa martsa ay sasadyain ko ring magkamali para ika’y tumigil at ako’y muling mapansin. Subalit nang minsa’y ika’y tumigil at ako ay napansin, nagulat ako nang ika’y nagtungo sa akin.Kinuha mo aking dalawang kamay at pinormang nakalapat. Hindi ko napigilan ang alab na naramdaman pagkat nagmistulang sasabog na bomba ang aking katawan. Pero nang inilabas mo na ang isang patpat na kawayan mula sa iyong likuran ay mas tumindig ang aking balahibo pagkat palad ko ang nito’y tinunguhan.
Nakaramdam ako ng takot sa mga oras na iyon. Na kasabay ng sakit na dulot ng iyong pagpalo ay ang sakit ng katotohanang ako sayo’y balewala lamang. Hindi ko na nadugtungan pa ang introduksyong aking sinumulan - isang kwentong hindi ko alam kung saan ang patutunguhan. Tulad ng sa iyo’y pagsinta na nakuntento na lamang sa simula. Nais ko sanang dugtungan subalit patulo’y kang nagpakita ng kawalan ng pag -asa. Gusto ko sanang gumawa ng paraan subalit inabot ako ng hiya pagkat ako’y isang hamak na babae lamang na sa iyo’y humahanga. Gusto ko sanang ipagpatuloy subalit tuluyan ka nang nawala.
Lumipas muli ang ilang taon at ang simula ay nanatiling simula. Tulad ng isang mananakbo na nagkamali sa pag eensayo, natakot na baka sa muli niyang pagtakbo ay mas masaklap ang abutin nito kaya’t itinigil ang pagtakbo. Tulad ng isang mananayaw na nabalian ng buto sa mali nitong pagbagsak mula sa pagkakalundag hanggang sa ipinayo ng doktor na huwag nang sumayaw. Tulad ng aking pag-ibig na nilamon ng takot at unti-unting binabalot ng poot.
Sinubukan kong muling umisip ng ibang tema, nilukot ang papel na tanging laman ay simula at itinapon upang muling lumikha ng panibagong kwento nang hindi ka kasama. Kay tagal na rin pala mula nang huli kang nakita. Mula nang wakasan mo ang ating simula.
Sa panibagong kwento ay nais kong magsimula nang masaya. Kaya’t ako’y nagpalinga linga at sinubukang hindi ka maalala. Hanggang sa isang araw ay muli akong natulala. Sa bago kong unibersidad ay nakita kita. Uo ..ikaw nga.. Ikaw na aking simula.. Nakita kita..nakaupo sa isang tabi, tumayo at naglakad nang mag-isa. Hindi ako nakapagsalita. Nang ako’y makauwi sa aming tahanan ay agad kong hinanap ang nilukot na papel at sa basurahan ito natagpuan. Muli ko itong inilapat sa aking lamesa, pinagpagan at sinubukang basahin muli ang simula. Kasabay nito ay ang muli kong pag alala kung paano tayo nagkakilala sa mga panahong ako’y umasa na ang tulad ko’y magustuhan mo sana hanggang sa muli kitang nakita - kanina - kanina.. Tulala..ako’y tulala!
Kinabukasa’y nakita ko ang papel sa loob ng aking bag at muli itong inilabas sa oras ng klase. Tulala..ako’y tulala. Sa pagtingin ko sa labas ng bintana ay saktong naroon ka. Nakadungaw sa akin at ibinigay ang matamis mong ngiti. Kung isa itong panaginip ay gusto ko nang magising..Pero mukha itong isang bangungot na papatay sa akin..
Lumabas ako ng silid at napahinga ng malalim. Nandoon ka parin sa tapat ng bintana at nakaaabang pala sa akin. Sa takot kong madugtungan ang ating simula ay lumihis ako ng daan subalit mabilis na ako’y iyong nasundan. O kay saya .. O ka’y saya..subalit nakakatakot madugtungan ang simula..Hinawakan mo ang aking braso at nang ako’y humarap - ikaw ay hapong hapo sa pagkakahabol sa akin. Minabuti kong huminto at inalis ang iyong pagkakakapit. At bigla kong naisip ang bagong papel na wala pang simula. Baka ito na ang panahon para sa panibagong istorya na wala pang simula. Subalit bigla ko ring naisip ang nasayang na simula na hindi na kailanman nadugtungan pa mula nang ika’y mawala. Kaya ako’y tumakbo palayo sayo pagkat ako’y takot na baka muling iwan mo.
Pero bakit sadyang mapaglaro ang tadhana at patuloy parin tayong nagkikita. Hanggang sa isang gabi ay nakita kitang nakaabang sa labas na aming pintuan. Agad kitang nilapitan pagkat sa iyong pagbisita’y ako’y nagulumihanan Inanyayahan kitang tumuloy sa loob subalit ikaw ay tumanggi at sinabing mayroon ka lamang sa aking sasabihin. Agad mong winika na ikaw ay gumagawa ng isang awit na ikaw ang letra at ako ang himig. Muli na naman akong natulala at tuluyang hindi nakapagsalita. Agad kang umalis at ako’y naiwan mag isa. Hindi mo hinintay ang maaari kong itugon kaya muli kong naalala ang papel na may simula. Lalo akong nalito pagkat naalala ko ang simula.
Kinabukasan, isa pang kinabukasan...at nadugtungan ng maraming kinabukasan ay nagpakita ka ng panunuyo subalit hindi parin ako makapili sa kung aling papel ang aking susulatan. Hanggang sa aking napagtanto na nasasayang na ang panahon sa pag iisip ng pipiliin sa pagitan ng may simula at wala.
Sa muli kong pagharap sa aking lamesa ay hindi ko namalayang dinudugtungan ko na pala ang ating simula. Doon ko napagtanto na hindi mahalaga kung ano ang simula. Ang mahalaga ay siya - ang aking simula. Ikaw - wala nang iba.
Inamin mo sa akin na noon mo pa ako iniibig - at nanatili kang walang himig pagkat natakot ka ring hindi marinig. At nang muli mo akong nakita ay doon mo rin napagtanto na ang awit ay dapat inaawit kaya...kaya sa iyong muling paghimig ay nais mong ako na ay kapiling.
Mistulang kahapon lamang na ako’y mag-isa..subalit ngayon tayo ay ganap nang magkasama. Hindi natin inalintana ang mga balakid sa paligid..Pagkat tanging pag -ibig ang nagbukbuklod sa atin..hanggang sa napuno na ang aking pahina na noo’y simula. Nagkaroon ng laman ang kwento at hanggang ngayon ay patuloy na nadudugtungan pa. Pagkat walang sawa kang sumusulat ng iyong awit na ikaw ang letra at ako ang himig.
Lumipas ang mga taon na ayaw nang lisanin ng aking panulat ang papel na may simula. Patuloy ang kwento patuloy ang kanta. Napawi ng iyong himig ang takot na dugtungan ang simula. Ngayon bawat letra ay mahalaga. Bawat nota ay espesyal na. Tulad ng isang mananakbo na nagkamali sa pag eensayo, natakot na baka sa muli niyang pagtakbo ay mas masaklap ang abutin nito subalit hindi siya tumigil kaya’t nang gumaling ay muling tumakbo at nakamit ang tagumpay na higit pa sa ginto. Tulad ng isang mananayaw na nabalian ng buto sa mali nitong pagbagsak mula sa pagkakalundag hanggang sa ipinayo ng doktor na huwag nang sumayaw. Subalit sadya siyang matatag kaya’t kahit nakaupo ay nagawang magturo sa mga batang nangangarap at ngayon siya ay umiindak sa saliw ng sayaw ng kanyang pusong punong puno ng galak. Tulad ng aking pag-ibig na nilamon ng takot at unti-unting binabalot ng poot subalit sa paglipas ng panahon ay napawi ang takot, kumawala sa poot at ngayon ay tanging pagsinta ang bumabalot.
Mahal, sa aking pagtatapos, nais kong malaman mong sa iyong pananatiling pag himig, ay nanatili akong sumusulat at pangakong hindi ko ito wawakasan tulad ng iyong awit na hindi mo tutuldukan. Sabay nating tutunguhin ang landas na walang hanggan pagkat ang simula ay madudugtungan at ang ating simula ay hindi kailanman mawawakasan.
Nagmamahal,
Marilag
Liham ni Marilag
Mahal,
May mas sasakit pa ba sa pakiramdam na alam mong ang lahat ay may katapusan?
Di ba pwedeng iuwi mo nalang ang forever? Ilagay sa locker, ipadlock at itapon ang susi para tiyak na di makawala? Bakit ganun ? Kung kelan nahanap mo na ay tsaka naman nagbabantang mawala.
Kung hawak ko lang ang istorya ng buhay ko , hindi ko kailanman pipiliing mahiwalay sayo. Mula sa pag bukas ng panibagong kabanata ng buhay ko , andun ka. Sa hirap at say, kasama kita. Sa mga tawanan at halakhakang bumubuo ng araw ko , sa mga pag-iyak at paghagulgol tuwing nababalikan ang mga masasalimuot na araw ng buhay ko. Hindi mo ko iniwan kahit alam mong masakit na, kahit alam mong pasuko na ako. Hindi ka bumitaw kahit kabitaw- bitaw na. Kumapit ka nang todo masalba lang ang kina-ingat-ingatan mong puso ko. May mga oras at araw akong hindi naging tapat, pero kinalimutan mo ang lahat ng iyon at umaktong normal ang lahat, Kinaya mong bitbitin ang lahat ng sakit at pagtataksil...hindi ka tumigil..mahal hindi ka bumitiw.
Sa mga panahong yun , amainin kong mas gugustuhin ko nalang na talikuran ang tulad mong handa at kayang ibigay at higatan ang pagmamahal na meron ako para sayo. Alam mo kung bakit? Kasi hiyang-hiya na ako saiyo, pati sa sarili ko. Na may taong katulad mo na nasa tabi ko. At lalo't higit dahil alam ko na sa huli ay maiiwan kang nakatayong mag-isa at di ako kasama.
Marahil ay di mo maiintindihan kasi kahit ako rin ay naguguluhan. Pero isa lang ang maliwanag. Yun ay ang mahal kita at itutuloy ko ang laban kahit hindi na tama. Hahawakan ko ang mga kamay mo at hihigpitan ang pagkapit at patuloy na ipaparamdam sayo ang ibig pakahulugan ng tunay na pag-ibig. Hahayaan kong tadhana na mismo ang siyang humusga sa pag-iibigang tinutuligsa nila.
Masakit. Oo, masakit na masakit. Kasi sa kabila ng lahat ng pinagdaanan ng ating mga puso ay naka abang parin ang hinaharap na walang kasiguraduhan na kahit ikaw ay hindi mahuhulaan ang madadatnan. Kaya mahal, wag kang mag-alala, kapit lang tayo. At kung hindi man talaga laan para sa isa't-isa, hinding hindi ko pagsisisihang kahit may panahon pang lumimot ay di ko ginawa dahil wala nang mas sasarap pa sa ala-alang ikaw at ako ay magkasama.
Patawad mahal sa lahat ng aking pagkukulang at pagkakasala. Mahal na mahal kita at patuloy na mamahalin hanggang sa aking huling hininga.

Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)