Naroon ka
Nakatayo sa silid kung saan nagtama ang ating mga mata
Naroon ka
Nakaupo’t nakaharap sa lamesa kung saan ka sa akin nagpakilala
Nandun ka
Sa mga panahong kailangan kita
Mga panahong nagpakita ka ng kabutihan at pagpapahalaga
Habang pilit kong itinatago ang sa iyo’y tunay na pagsinta
Ayun ka,
Nasa malayong distansya pero tunaw na tunaw na
Palihim kang minamasid bitibit ang panalanging ako nalang sana
Hanggang sa wakas, ayun ka’t nagtapat at winikang ako sayo’y mahalaga
Sabay sinundan ng “mahal kita.” Mahal kita.
Mahal din kita.
Nakadama ako ng tunay na saya. Pakiramdam na ayaw ko nang mawala.
Pagkat, akin kana.
Pero isa dalawa tatlo, babalik ako sa ulirat at matatauhang naroon ka.
Naroon ka’t naglalakbay sa ‘king imahinasyon, bumubuo ng masasayang ala-ala
Naroon ka
Naroon ka
Sa aking panaginip na ang panaginip ay itong buong tula
Wala ka rito pagkat naroon ka
Naroon ka sa kahapon na matagal na dapat ibinaon
Kahapon na puno ng mga bagay na sinubukan kong malimot
Mga bagay na hindi na dapat inaalala pagkat sobrang sakit na, nakakapagod na
Nakakapagod nang paulit -uliting ako sa iyo’y bale wala
Na ang pagsabi mo ng mga katagang “mahal kita” ay isa lang palang guni-guni na pilit kong binuo sa kagustuhang mapaniwala ang sarili na akin ka na. Na akin ka talaga.
Kaya anong saysay ng pag alala sa iyo kung ang pag ungkat nito’y sa aking tuluyang magbabaon
Magbabaon patungo sa hukay ng lungkot at pagkadismaya
Kasi naman, sana hindi mo na tinangka, sana hindi mo na ginawa
Sana hindi mo na pinadama na ako sayo’y mahalaga
Sana hindi ako nagpakatanga at nagpaniwala
Para hindi ako nahihirapan ng ganito.
Kaya sabihin mo sa akin, paano ako uusad kung naroon ka pa
Naroon ka
Nakatayo sa silid kung saan nagtama ang ating mga mata
Naroon ka
Nakaupo’t nakaharap sa lamesa kung saan ka sa akin nagpakilala
Naroon ka sa aking pag gisisng
Sa aking pagtulong ikaw parin ang kapiling
Naroon ka, sa bawat hakbang ko
Sa bawat pag indak sa saliw ng paborito nating musiko
Naroon ka pero narito ako
Naroon ka hawak ang mga kamay ko
Narito ako pagkat binitawan mo
Narito ako at nandito ka pa
Nandito ka pa sa pagkatao kong lasog lasog na
Sa isip kong sabog na sabog na
Sa puso kong durog na durog na
Pusang gala! Bakit nandito ka pa?
Sa kahapon kong buo pa sana kung hindi ka nakilala.
Naroon ka pero bakit nandito ka pa?
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento