Linggo, Marso 27, 2016

Paslangin ma’y di mabubuyo

Nanghihina ba't balisa ang iyong puso?
Tumatangis nang lubos sa pagkakabigo?
Kaibigan, tugma sa iyo ang tulang ito.
Basahi’t damhin ang bawat punto.

Nilisan mo’y “bayang gulo”,
Pinatawad ka’t nilnis ng dugo ni Kristo
Hinayo’t tangan Kanyang Ebanghelyo
Sa munting pagkakahapo’y agad ka nang susuko?

Paano silang sa dilim ay bilanggo?
Hinahanap ang liwanag sa pamamagitan mo.
Mananatili na lamang bang lugmok at nakaupo,
Kung isa-isa na silang bulang naglalaho?

Bumangon,kumilos na’t tumayo.
Kristyano ka’t ito ang buhay mo!
Mangaral at lumaban huwag pagagapo
Tiyaking paslangin ma’y hindi mabubuyo.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento