Martes, Disyembre 15, 2015

Muli (spoken word)

Nov.26,2015

Nakasama kita
Muli't muli ,nakasama kita..

Sa ganoong di inaasahang pagkakatao'y wala akong nagawa kundi ika'y pagmasdan
At damhin ang init na walang paglagyan
Halos ayaw na kitang bitawan..
Lalo pa ngayo't alam ko nang ako'y iyo lamang

Kung isa iyong panaginip ay ayaw ko nang magising

Nakasama kita,nakapiling
Nahawakan iyong mga kamay
Ika'y nakaakbay
Nasilayang muli ang kislap ng iyong mga mata
Narinig ang boses mong kaylamig
Walang patid..itong pagpintig pagkat kay lalim na nitong pag ibig

Himig mo'y kay sarap pakinggan.
Hanggang sa muling pagkikita
Pansamanatalang paalam!

Hinagpis ng Kabiyak (spoken word)

Nov.28,2015

Muli kong susuungin ang bukas na wala ka
Kahit sa puso koy laging narito ka

Muli kong ititikom itong pagsinta para sa bagong simula
Kahit alam kong mahirap ang panimula.
Masakit..oo masakit.

Pero teka, paano nga ba talaga ako magsisimula?
Paano nang hindi ka kasama?
Paano ako babangon sa umaga
Kung wala ang iyong pangangamusta?
Paano ako tatawa,tulad ng pagnagpapatawa ka.
Paano ko ipagpapatuloy ang araw kung ni isang pagpaparamdam ay wala ka.
Paano ako tutulog kung wala kang good night at mahal kita.

Mahal paano..paano ko kakayanin ang lungkot.

Paano mahal ko?

Paano ko maipapakita sa iyo ang tunay na pagmamahal
Pagkat kung umiiyak ang puso mo'y humahagulgol ang kabiyak nito.

Hanggang sa Muli (spoken word)

Naghintay ako
Naghihintay ako
Maghihintay ako

Na ika'y muling masilayan
Masulyapan
Mahawakan
Na maramdaman muli ang init ng iyong halik
Higpit ng yakap, tamis ng iyong ngiti.

Naghintay ako
sa nakaraang malabo
Na sa panaginip lamang nagkakatotoo
Naghintay ako nang di mo alam
Nang di mo pansin
Naghintay ako hanggang sa sabihin mong muli na ako parin
Naghintay ako at nagkatotoo..
Nakapaghintay ako at ang puso'y muling nabuo.

Hanggang sa muli kang lumisan Nilisan mo na namana ako, Iniwan sa kalagitnaan ng daan Kasabay ng walang pangako ng pagbabalik
Pero heto parin ako
Muling naghihintay sa'yo

Naghihintay
Na balikan mong muli
Na muli kang magbalik, mulit muli
Dahil naghintay ako
Nakapag hintay ako, at naghihintay muli ako
Na mapadalas pa ang minsan
Na mas mapahaba pa ang paglalaboy natin sa daan
Naghihintay ako sa mas malayang pagngiti
Pagsasamang walang pag aatubili

Maghihintay ako sa pangako mong pag-ibig
Sa tamang panahong sa ati'y maglalapit...magbibikis...
Maghihintay ako hanggang puso ko'y mahanap mong muli.
Maghihintay at maghihintay ako sa tamang panahon hanggang sa panahon na ang sumuko
Pero teka, hindi dapat ako sumuko
Oo tama, hindi ako susuko pagkat...

Hanggang Sa muli mong pagbalik
Hanggang
Sa wala nang salitang paglisan at pangambang hindi kana makabalik.
Naghintay naghihintay at maghihintay parin ako
Kahit ayaw mo na
kahit suko ka na
Maghihintay parin ako, kasi sa pagkakaalam ko, akin ka!

Gigisingin mo pa ba ulit sila? (spoken word)

Ngayon nalang ulit - pumatak
Itong mga luhang kay tagal kong tinipid,
Pinigil kong mailabas
Dahil umiiwas ako sa sakit.

Muli kong narinig ang iyong tinig, pero imbis na matuwa at magalak
Ay nagismula na namang magsibagsakan mula sa kawalan ang mga luhang kay tagal kong tinipid
Isinilid sa garapon ng katahimikan pero heto na naman at muli mong ginising

Ang dati mong tinig na puno ng pag ibig
Ay nagmimistulan na lamang isang alingawngaw na natagalan bago makabalik
Ginawa akong manhid ng iyong tinig
Na dati'y kay tamis
Ang mga salitang naririnig dati'y kay tamis!
Ngayo'y ang lamig... Kakaiba't tila hindi na muling magkakahimig

Itong mga luha
Na paisa isa ,
Maya maya'y nagdadalawa
Tatlo
Apat
Lima
Hanggang sa hindi ko na mabilang

Ay muling nagkamuwanag, muli mong ginising, muli mong binuhay mula sa pagkakahimlay
Kaya itong mga luha ay walang humpay sa pagdaloy pagkat ang puso'y nakaramdam ng sobrang sakit
Ano ba ang nais mong ipahiwatig
Pagkat taliwas ang iyong pag awit sa nais kong marinig

Mahal, sa aking pagtatapos kasabay ng pagpahid ng mga luhang muli ko na namang isisilid,
Habang maaga pa, Habang kaya ko pa...sabihin mo na...
Sabihin mo na kung hanggang kelan ako aasa.
Kung hanggang kailan magpapanik-panoag itong mga luhang
Nakaabang na sa garapon, inaabangan ng garapon
Habang ang mga mata'y may iluluha pa
Sabihin mo mahal,
Gigisingin mo pa ba ulit sila?

Kaunti nalang, kaunti (spoken word)

Kaunti nalang, kaunti
Makakalimot din

Malilimutan ding ika'y minsang nakatabi,
Nahawakan iyong pisngi
Mga kamay mo't binti
Kaunti nalang kaunti...

Malilimutan din!

Ang boses mong kay lamig
Ang yakap mong kay init
Mga titig mong nakakatunaw
Halakhak mong nangingibabaw
Kaunti nalang kaunti
Malilimutan din

Malilimutan ko rin na minsan mo akong pinangiti
Pinahid mga luha't pinatahan ng parang bata
Pinuno mo ng tuwa itong puso kong sumigla
Itinuro mong sapat ang pag-ibig

Pero...

Pero nalimutan mong sabihin na minsa'y hindi talaga...
Na hindi talaga sapat na mahal mo lang ako
Pagkat sa araw araw na wala ka sa tabi ko,
Muling nanghihina ang aking puso,
Hinahanap hanap ang kabiyak nito

Minsa'y hindi sasapat na ang alam ko lamang ay mahal mo ako
Pagkat minsa'y mas makabubuting ipinadarama rin ito

Kaya kaunti nalang kaunti...

Isang araw

Oras

Isang minuto,

Isang segundo

Isnag segundo pa ng hindi mo sa akin pag- alala, malilimutan na kita..

Kaunti nalang kaunti
Mahal, may segundo ka pa.