Lunes, Oktubre 14, 2013
Kalma lang !
Litong lito ako noon sa mga kaganapan sa buhay ko nang minsan akong mabigo dahil sa inakala kong maling desisyon. Pinaniwalaan kong “times up” na. Kung may hihigit pa nga sa deskripsyon na “binagsakan ng langit at lupa”, dun ako. Pero nalimutan kong may “timetable” pala ang bawat tao. Naroon ang tamang panahong itinakda. Hindi ko lang inalala, kaya ayun – plakda nang bongga.
Sa patuloy na pag-takbo ng oras, patuloy din ang pag-ikot ng buhay. Pero di mo ba napapansin, na habang tumatagal, bumubilis din ang lahat. “Instant” ika nga. Paano, mainipin ang tao kaya gagawin ang lahat kumaripas lang. Pati nga ang simpleng bagay, apektado. Pero lingid sa kaalaman ng marami , di lang naisasantabi ang salitang “pagtitiis”, kundi bagkus, natatabunan din ang tinatawag na “God’s perfect timing”.
Pag-aaral sa isang Theology school ang talagang nais ng puso ko. Tumagal na ako doon ng isa’t kalahating taon pero heto ako at nasa CvSU. Halos manumpa na ako ng tao na naging dahilan ng lahat. Di ko kasi matanggap na naging ganoon ang takda ng buhay. Hanggang sa naunawaan kong may ibang plano ang Diyos para sa akin. Maaring di ko pa matunghayan ang tunay na kadahilanan ngayon, pero naniniwala akong sa panahon ng Diyos ay masusumpungan ko yun.
Di naman kasi agad-agad masasabing yun na talaga. Minsan kailangan mo ding tantsahin ang bawat tagpo. Balansehin ang bawat eksena at higit sa lahat dumipende sa tamang kalooban. Mahirap yun. Sobrang hirap. Lalo na pag may iba kang gustong gawin. Papaburan ka ng panahon pero ang di mo alam, pansamantalang kaligayahan at kapayapaan lang ang dulot nito. Pagkatapos nun, wala na. Huli na!
Minsan sa pagmamadali, akala mo mauubusan ka ng oras. Wala namang masama dun e. “Time is gold nga di ba. Pero mayroong iba’t – ibang sagot sa mga bagay na gusto mong mangyari. Pwedeng “Oo” pwede ring “hindi”.Minsan makaririnig ka pa ng “maghintay”. Pero kung minsan mas kinakailangang “baguhin”. Hindi naman kasi sa lahat ng pagkakataon ay sasang - ayunan ang sariling kagustuhan. May kalooban ang Diyos para sa bawat isa at yun ang kinakailangan mong maunawaan – na ang lahat ay nakatakda sa tamang panahon, tamang oras, tamang timing. Ang importante lang, matuto kang maghintay at manampalataya kang magandang bukas ang muling sisilay. WAG KANG ATAT. “Kalma lang po”.
Sabado, Oktubre 5, 2013
Serve Me Forever
"Serve Me Forever"
Lie no longer prostrate, bind not with fear.
“I have seen no effect, tired of shedding a tear”.
Hold on my child, don’t lose your gear.
Rise and stand. Come here, come near.
When things go wrong with your little farm,
I’m here to keep you out of unseen harm.
Lean on my child, shelter in my loving
Rise and stand, be an alarm.
You cannot win everybody, but there is someone
If you fail, weep for yourself and blame none
Just keep on my child, a work is to be done.
Rise and stand, hope is not yet gone.
You are my chosen, created to be my minister
Given a work to accomplish, be not a time waster.
Go on my child, with that purpose, be a finisher.
Rise and stand, serve me forever.
Lie no longer prostrate, bind not with fear.
“I have seen no effect, tired of shedding a tear”.
Hold on my child, don’t lose your gear.
Rise and stand. Come here, come near.
When things go wrong with your little farm,
I’m here to keep you out of unseen harm.
Lean on my child, shelter in my loving
Rise and stand, be an alarm.
You cannot win everybody, but there is someone
If you fail, weep for yourself and blame none
Just keep on my child, a work is to be done.
Rise and stand, hope is not yet gone.
You are my chosen, created to be my minister
Given a work to accomplish, be not a time waster.
Go on my child, with that purpose, be a finisher.
Rise and stand, serve me forever.
Linggo, Setyembre 22, 2013
Nakaw na Sandali
Nakagigimbal man ang mga eksena, ang ating magigiting na sundalo ay patuloy parin ang pagpapatunay ng kanilang pag-ibig para sa bayan. Pag-ibig na kahit sariling buhay ay kayang isugal at nakahandang yakapin ang kamatayan para sa ipinaglalaban.
Bakbakan sa Zamboanga ang kasalukuyang laman ng balita. Subalit minsan na bang sumagi sa iyong isip na sa likod ng kahang-hangang katapangan ay naroon naman ang mga luhang nangingilid na kung loloobin ay tuluyang dadaloy dala ng takot at pangamba? Paano kaya kung isa ka sa malapit sa mga sundalong ito? Paano kung kapamilya ka? Mananahimik ka nalang ba o isa ka rin sa mga luluhod para sa kanila?
Sundalo ang tatay ko. Wala pa ako sa mundo, danas na niya ang gyera. Normal na lang ang pagdanak ng dugo. Ang pagsabog ng bomba ay parang sa bagong taon lang at ang malalamig na bangkay ay malapitang nasaksihan ang pagbulagta.
Isa lamang ako sa mga “anak” ng naglipanang sundalo sa buong mundo. Lumaki nang malayo sa kanya. Kinasanayan nang walang ama. Labis ang aking paghihimutok tuwing sasapit ang mga mahahalagang araw ng buhay ko. Mga araw na tanging sa isip ko na lamang siya nakakasama. Di ko noon maintindihan. Kay hirap maunawaan. Bakit niya pa kailangang unahin ang iba para paglingkuran? Bakit kailangan niya pang lumayo? Anong meron sila na wala ang pamilyang siya mismo ang bumuo?
Sa kanyang pagtalikod mula sa aming pintuan hanggang sa di ko na matanaw maging ang kanyang anino, isa isang pumapatak ang aking luha habang pinagmamasdan ang balisa kong ina. Subalit, dumating ang panahong ang minsang di pangkaraniwan sa pakiramdam ay naging kwento na lamang at tuluyan nang nakasanayan. Nagulat pa nga ako sa minsang biglaan niyang pag-uwi.
Sa kabila ng lahat ng tampo at galit na namuo sa puso ko, dumating pa rin ako sa puntong ipinaunawa ng Diyos kung gaano ako kapalad na magkaroon ng ganoong ama-SUNDALONG AMA!
Nanariwa lahat habang lumuluhang yakap ko siya. Mga ala-ala ng isa o dalawang oras niyang pag-uwi sa isang buwan; pag karipas ng pagtakbo sa ospital pag inaatake ako pero mga prutas nalang ang aking magigisingan dahil pinabalik na siya sa kampo; mga panahong halos sumigaw ako sa tuwa dahil kasama ko siyang humahagalpak sa pagatawa at nakikipagharutan pa subalit maya-maya’y tila bulang naglaho dahil ipinatawag ng opisyal. Higit nang magtapos ako ng elementary na halos mabali ang aking leeg sa pagtanaw sa kanya pero wala – wala talaga ! Mas lumaki ang patak ng aking luha nang muli kong sariwain ang pinakaiinisan kong araw, ang aking kaarawan. Selebrasyong halos ayaw kong magpakasaya sapagkat sa tuwing lahat ay nailigpit na at mata ko’y pikit na, bigla na lamang dumadampi ang isang halik sa aking noo sabay sabing , “Happy Birthday anak, pasensya kana at nahuli si Tatay.” Tulog tulugan ang aking tenga pero tumatagos sa puso tuwing kanyang sinasambit.
Lahat ng iyon ay waring balang tumama sa sarado kong isipan at bumukas kayat ako’y natauhan. Mahal na mahal ako ng aking ama. Binuhay niya ako sa paraang marangal at maipagmamalaki ko. Walang dapat ikagalit. Walang pero pero. Unti-unti ko nang nauunawaan na kaakibat ng kanyang pagiging anak ay ang katotohanang ano mang oras ay maari siyang bawiin ng nasa itaas. Katotohanang di ko man pinangarap ay kailangan ko paring tanggapin pagkat ito ang dikta ng buhay.
Kayat sa mga tulad ng ganapan ngayon sa Zamboanga, dama ko ang hirap. Hindi lamang sa mga sundalong naroon, kundi maging sa kanilang mga mahal sa buhay. Akala mo madali lang ? Akala mo ganun ganun na lang? Maaring sa iyo’y sapat nang malamang may mga tulad nilang lumalaban - para sa bayan , para sa kapayapaan. Subalit alalahanin ding mayroong araw-araw nagsusumamo at walang humpay na bumibigkas ng panalangin para sa kanilang kaligtasan. Mga tulad kong umaasa sa pangmatagalang kasiyahan kapiling siya subalit hanggang ngayo’y nagtatyaga sa mga “nakaw na sandali.”
Sabado, Hulyo 27, 2013
Citrus Skin
Year 1911, a stuntman named Bobby Leach put himself in a special metal drum and jumped from Niagara Falls down the water. He got small scars but went out of the drum alive to tell this story. With a lot of preparations, he made this extraordinary thing successful.
Long years ago, while he was walking in New Zealand, he stepped on a “citrus skin”, slipped and fell down which caused to break his leg. He was brought in the hospital due to complications and so, he died.
“Wherefore let him that thinketh he standeth take heed lest he fall.”
-I Corinthians 10:12
“Ang nag-aakalang siya’y nakatayo ay mag-ingat na baka siya’y mabuwal.”
No matter how strong you hold on, still, there will come a time that you’ll fall. No matter how prepared you are and already gained strength to face tears and scars, still, you’ll pop off. Because no matter how loud you’ve shouted that you’ve lived through those horrors, if you did it for your own glory, then you’ll be DEAD!
That stuntman passed away just because of a “citrus skin”. No one expected it, even himself. But God allowed it to tell you something and be reminded of these three:
1. Take HEED
- A state of being “aware”.
2. Take HIM
- Read your Bible and pray.
3. Take NOTE
- Listen to your authorities.
We’re in a world that “tomorrow” is a surprise. You can’t date your own death, even one’s exact birth. But one thing is for sure that everything happens for a purpose.
Satan keeps on dropping citrus skin on your way. As you step, take heed, take Him, and take note. For you’ll never know where he placed one. He’s a wild old fox playing tricks on you. Mind those little acts that can be turned into sin. They may seem too small, insignificant, but wait until you’re gone. So please, magnify your eyes for a citrus skin.
Biyernes, Hulyo 26, 2013
"Peks Man, Mamatay Man"
Paano kaya kung abutan ka ng isang
"regalo"? Yung tipong nasa isang malaking box at nakabalot pa ng
pagkabonggang-bongga pero pagdating ng panahon ay bawiin sa iyo? Di ba't nakakabanas?
Ang sarap sigurong ibato sa kanya at kung nagkataon ay baka masaktan mo pa.
Pero wag ka, sa buong buhay ko, minsan akong
nakatanggap ng isang REGALO. Regalong di matutumbasan ng pilak, ginto at kahit na
magkanong halaga. Di Niya rin ito babawiin at pababayaran. 'Ba naman pagkayamanyaman
ng nagbigay e. Ang kagandahan dun, di lang naman talaga para sa akin 'to.
Ngayon iaabot ko rin sa'yo. Ang tanong, tatanggapin mo?
Ayon sa nasusulat, Roma 6:23 , "...ang regalo ng Diyos ay buhay na walang hanggang
kay Kristo Hesus na ating Panginoon."
Oo, lahat tayo ay nanaisin ang regalong ito
na sa langit lamang makakamtan. Subalit, ang katotohana’y lahat tayo ay
makasalanan, ( Roma 3:23, “Sapagkat ang
lahat ay nagkasala at hindi nakaabot sa kaluwalhatian ng Diyos”). E ano
naman kung tayo ay makasalanan? Kaibigan, may
kabayaran ang ating kasalanan - “…kamatayan” at matutukoy ito sa dalawang uri:
Pisikal na Kamatayan - pagkahiwalay ng
kaluluwa sa katawan.
Espiritwal na Kamatayan - pagkahiwalay ng tao
mula sa Diyos
Kamatayang espiritwal ang usaping ito. Ang ating
kaluluwa ay nahahatulan ng walang
hanggang kaparusahan sa impyerno - lugar na may apoy at uod na hindi
namamatay. Mayroon ding matinding kadiliman pagkat ito’y lugar ng pagdurusa at
paghihirap. (Pahayag 21:8) Sa madaling
salita, lahat tayo ay patutungo dito. Lahat ay ipinanganak nang makasalanan at
walang perpekto, alam mo yan !
Pero may isang malaking PERO. Mahal ka ng Diyos. At dahil sa pagi-ibig
na ito, binigay Niya ang Kanyang bugtong na anak na si Hesus. Nadanak ang Kanyang dugo sa krus ng kalbaryo upang tubusin ang
ating mga kasalanan. Iyan din ang naging paraan upang tayo’y hindi na mahatulan
sa impyerno. Sumampalataya ka na si
Hesus ay namatay inilibing at muling nabuhay. Ipikit ang mga mata, iyuko
ang ulo at kausapin Siya nang ganito:
“ Dakilang Diyos inaamin ko na ako ay makasalanan
at karapat dapat sa impyerno. Subalit, pingsisisihan ko po ito at tinatanggap
Kayo sa aking puso bilang sariling Tagapagligtas. Salamat po sa buhay na walang
hanggan at katiyakan ng langit. Sa pangalan ni Hesus, Amen.”
Juan
1:12, “Datapwat ang lahat ng tumanggap sa Kaniya ay binigyan Niya ng
kapangyarihan na maging anak ng Diyos, sila na sumamplataya sa Kaniyang pangalan.”
Maraming salamat sa buong puso mong pagtanggap
sa regalong ipinagkaloob ng Diyos sa iyo. Ngayong ANAK ka na Niya, ito’y
panghabang buhay na. Sa langit na tutungo ang iyong kaluluwa. Magkasala ka man,
tulad ng sa magulang at sa anak, anak parin at magulang parin ano man ang
mangyari.
Oops, teka ! Speaking of, may magulang ka pa
nga di ba? May mga kapatid, kamag-anak maging kapitbahay at iba pang kakilala.
Bakit di mo umpisahang abutan din sila ng meron ka. Ano mang oras ay maaring
dumating ang tinatawag na “kamatayan” at hindi aksidenteng mabasa mo ito, bagkus
itinakda upang maibahagi mo rin sa iba. Walang nananatiling may hanging
inilalabas sa ilong. Kaya’t habang may pagkakataon pa, wala nang hiya - hiya! Marami
pa sila. Huwag sarilihin ang regalong minsan ding ibinahagi sa iyo. Spread like
disease ang tema pagkat ang katiyakan ng langit ay napakahalaga. Doon lamang
kasi matatagpuan ang regalong kanina ko pa binabanggit. Meron ka na nito di ba?
Aba’y ano pang ang hinhintay mo? Galaw-galaw na!
“A special gift for you. Wala yang bawian. Peks
man, mamatay man.”
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)