Ayaw ko nga ! Ayaw ko na nang balikan iyon. Hinndi mo ba gets ? Ayaw ko !!!
"Gusto ko ! Gusto ko sa dyip din ako. Magbabahagi ng salita ng Diyos."
Ha? Ano raw? Gusto ko ? Eh di ba nga ayaw ko?
Ang gulo ko talaga. Bahala na nga. Basta gagawin ko iyon makapagpasa lang.
Anong makapagpasa lang? Gawin mo iyo para sa Panginoon. Iyon naman ang dapat mong ginagawa di ba? Dapat nagbabahagi ka ng salita ng Diyos maging sa mga oras na ito. Pero anong ginagawa mo riyan? Nakikipagusap ka sa sarili mo. Intrapersonal Communication ang peg? Self-talk? Aba, palaban ka! Tumayo ka riyan nang matauhan kana!
Aaaaaah!!! Nakakainis!!!
Hindi ako kinakabahan. hindi talaga. Pero bakit hindi ako makapagsimula? Hindi ko maibuka ang aking bibig upang makapagsalita. Ang hirap pala pag dati mong gawain. Hindi naman ako ganito dati. Kaya ko naman noon. Hindi na nga bago sa akin ang ganitong pagsasalita lalo na at patungkol sa Kanya. Pero bakit ganito? Nanginginig ako.
"Ate, ikaw na. Game na. 1,2,3...", bulong ni Nica habang sumesenyas na handa na ang camera para sa pag vi-video sa akin.
Hala teka lang! Wag muna.
"Game na ate!", pagpupumilit niya.
Sige na nga! Ito na...
..........................................
"Ate, tapos na tayo sa wakas!"
Ha? Tapos na? Oo nga ano. Ay grabe. Tapos na nga.
Ang sarap sa pakiramdam. Yaong pakiramdam na maghahalos isang taon ko nang hindi naramdaman. Nakinig sila. Mayroon pa ngang pilit ng yumuko makita lang ang akong ngasasalita. Tumingin sila sa aking mga mata. Nasulyapan ko ang mga matang punong-puno ng katanungan. Patungkol sa kamatayan ang aking ibinahagi, ang katiyakan ng langit sa pamamagitan ni Hesus. Tila bagang nabunutan ng tinik ang kanilang lalamunan sa mga reasksyon ng kanilang mukha nang sabihin kong sa kabila ng ating pagiging makasalanan ay minahal tayo ng Diyos at ibinigay Niya ang Kanyang Butong na Anak upang bayaran at tubusin ang ating karumihan. Nadanak ang kanyang dugo sa krus ng kalbaryo at upang makatiyak ng langit ay nararapat na tanggapin Siya nang buong puso bilang Diyos at sariling tagapagligtas. Pumikit sila! Ipinikit nila ang kanilang mga mata nang bigkasin kong sumunod sila sa isang panalangin. Nakita ko ang ngiti sa kanilang mga labi nang imulat ko rin ang aking mga mata. Napakagaan sa pakiramdam na naibahagi ko ang ganoong katotohanan mula sa Bibliya at sa ganoong kakaibang pagkakataon pa.
Hindi iyon aksidente at kailanman ay hindi magiging isang pagkakamali na maiatas sa akin ang ganoong gawain. Iyon ay isang biyaya na pinahintulutan ng Maykapal na iatas sa amin ng aming guro. Isang napakalaking pribilehiyo ang pagkakataong iyon na hinding hindi ko malilimutan kailanman.
Akala ko hindi na mauulit. Akala ko limot ko na. Pero hindi pa pala. Kahit anong takas ang gawin ko, ipinapa-alala at ipinapa-alala parin Niya kung saan ako nararapat at kung ano ang dapat kong pinagkaka-abalahan. Ako ang lumayo pero pilit Niya parin akong inilalapit sa Kanyang piling. Purihin ang Panginoon pagkat sapat ang Kanyang pag-ibig para sa mga tulad kong minsan nang tumalikod at ngayon ay pilit Niyang ibinabalik.
https://www.youtube.com/watch?v=mGM1nnnspDw
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento