Limang taon
Limang taon akong nakuntentong pasulyap sulyang lamang sa iyo
Limang taon
Limang taon kong tiniis ang lungkot sa tuwing wala ka sa tabi ko
Limang taon
Limang taon kong itinago ang tunay na tinitibok ng aking puso
Na sa loob ng limang taon, natutunan kong ipanalangin na sana mangyaring ika'y maging akin
Yung sana dumating ang araw na malaya kong namamasdan ang bawat kilos mo, ang bawat paggalaw ng iyong mga mata,ng iyong ulo, kamay, paa at ng buong ikaw
Yung sana, dumating yung araw na malaya kitang nakakausap o di kaya'y kahit mangitian man lamang
Na sana isang araw sabay tayong naglalakad nang magkahawak ang mga kamay.
Na sana niyayakap mo ako ng mahigpit habang inaawitan ng paborito mong awit.
Na sana..sana narito ka sa aking tabi..nakatitig sa aking mga mata, sabay hahawakan ang aking mga kamay at hahalikan nang nakangiti't sumasabog sa tuwa ang aking puso sabay bigla mo pang sasabihing "Mahal na mahal kita."
Limang taon, limang taon akong nililipad ng aking imahinasyon patungo sa reyalidad na imposible ang lahat
Pero limang taon, limang taon kong binuhay sa puso't isip ko na totoo ka at posibleng maging ikaw at ako
Kaya naman limang taon akong naghintay...naghintay sa tamang panahon...
At kahapon, nagwakas ang limang taon.
Lunes, Nobyembre 9, 2015
Sabado, Nobyembre 7, 2015
Walang Bibitaw, Mahal Kita (spoken word)
Ito ang araw na hindi malilimutan ng sabik kong puso.
Ito ang araw na puno ng pag-ibig at pasasalamat sa iyo
Pagkat ito ang wakas ng pangamba na baka hindi ako ang gusto mo
Ito ang araw ng simula at pagpapatuloy ng ating kwento.
Pangatlong beses na ito ng ating pagkikita
Pangatlo pero pinakamasaya at pinakamahaba
Pagkat muli kong nahawakan ang iyong mga kamay, nagpalitan tayo ng kwento ng buhay
Inawit mo sa akin ang himig na iyong taglay
Himig ng pag-ibig na sa apoy nito'y bumubuhay.
Sa kislap ng iyong mga mata at tamis ng iyong ngiti,
Pakiramdam ko'y ako'y tila nananaginip
Niyayapos ng kapangyarihan ng imahinasyon subalit sa muli ko sa iyong pagtingin
Ako'y biglang nagising at nasigurong totoo ka't akin ngang kapiling
Sa mga pagkakataong iyo'y hindi parin ako makapaniwala
Na ang noon kong pangarap lamang ay nagkatotoo na
Ang makapiling ka ngayo'y hindi na isang telenobela
Pagkat ang makasama ka kahit 'sang saglit ay langit na.
Sa ngayo'y maaaring hindi pa tama ang lahat
Pero matutulog akong masaya pagkat sa pag-ibig walang makakaawat
Maaari ring ang ngayong pagkikita'y pansamantalang panghuli na
Pero ako'y umaasa na masusundan pa
At kung sakali mang hindi na, panghahawakan ko parin ang ipinangako mo kanina na
"Walang bibitaw, mahal kita."

Linggo, Nobyembre 1, 2015
Kasi Nga Mahal Kita (spoken word)
Nagtataka ka na naman, kung bakit narito ako’t hawak ang mga kamay mo
Kung bakit distansya ay hindi hadlang at hindi tayo mapaglalayo
Nagtataka ka na naman, kung bakit ang saya saya ko
Ngayong kasama kita kahit alam kong pansamantala lang ito.
Nagtataka ka na naman, kung paano ko nakakayanan ang lungkot at kung bat wala akong maramdamang poot
Sa tuwing sinasabi mong “hanggang sa muling pagkikita mahal ko”
Nagtataka ka na naman, kung bakit ang tatag ko at kung bakit hanggang ngayo’y hindi ko alam ang salitang pagsuko
Nagtataka ka na naman, kung bakit patuloy itong pag ibig
Na kahit bagyuhin ng unos ay patuloy na titindig
May dapat bang ipagtaka, may dapat bang ipag-alala
Kasi kung ako ang tatanungin ay wala,wala talaga.
Kaya maniwala ka pag sinabi kong mahalaga ka,
Maniwala ka pag sinabi kong hihintayin kita.
Kasi mahal, dalawang salita lamang ang ibig pakahulugan ng lahat ng ito,
Mahal kita. Mahal - kita!
Kaya walang dapat ipagtaka kasi nga mahal kita.
Mag-subscribe sa:
Mga Post (Atom)