Lunes, Oktubre 14, 2013

Kalma lang !

Litong lito ako noon sa mga kaganapan sa buhay ko nang minsan akong mabigo dahil sa inakala kong maling desisyon. Pinaniwalaan kong “times up” na. Kung may hihigit pa nga sa deskripsyon na “binagsakan ng langit at lupa”, dun ako. Pero nalimutan kong may “timetable” pala ang bawat tao. Naroon ang tamang panahong itinakda. Hindi ko lang inalala, kaya ayun – plakda nang bongga. Sa patuloy na pag-takbo ng oras, patuloy din ang pag-ikot ng buhay. Pero di mo ba napapansin, na habang tumatagal, bumubilis din ang lahat. “Instant” ika nga. Paano, mainipin ang tao kaya gagawin ang lahat kumaripas lang. Pati nga ang simpleng bagay, apektado. Pero lingid sa kaalaman ng marami , di lang naisasantabi ang salitang “pagtitiis”, kundi bagkus, natatabunan din ang tinatawag na “God’s perfect timing”. Pag-aaral sa isang Theology school ang talagang nais ng puso ko. Tumagal na ako doon ng isa’t kalahating taon pero heto ako at nasa CvSU. Halos manumpa na ako ng tao na naging dahilan ng lahat. Di ko kasi matanggap na naging ganoon ang takda ng buhay. Hanggang sa naunawaan kong may ibang plano ang Diyos para sa akin. Maaring di ko pa matunghayan ang tunay na kadahilanan ngayon, pero naniniwala akong sa panahon ng Diyos ay masusumpungan ko yun. Di naman kasi agad-agad masasabing yun na talaga. Minsan kailangan mo ding tantsahin ang bawat tagpo. Balansehin ang bawat eksena at higit sa lahat dumipende sa tamang kalooban. Mahirap yun. Sobrang hirap. Lalo na pag may iba kang gustong gawin. Papaburan ka ng panahon pero ang di mo alam, pansamantalang kaligayahan at kapayapaan lang ang dulot nito. Pagkatapos nun, wala na. Huli na! Minsan sa pagmamadali, akala mo mauubusan ka ng oras. Wala namang masama dun e. “Time is gold nga di ba. Pero mayroong iba’t – ibang sagot sa mga bagay na gusto mong mangyari. Pwedeng “Oo” pwede ring “hindi”.Minsan makaririnig ka pa ng “maghintay”. Pero kung minsan mas kinakailangang “baguhin”. Hindi naman kasi sa lahat ng pagkakataon ay sasang - ayunan ang sariling kagustuhan. May kalooban ang Diyos para sa bawat isa at yun ang kinakailangan mong maunawaan – na ang lahat ay nakatakda sa tamang panahon, tamang oras, tamang timing. Ang importante lang, matuto kang maghintay at manampalataya kang magandang bukas ang muling sisilay. WAG KANG ATAT. “Kalma lang po”.

Sabado, Oktubre 5, 2013

Serve Me Forever

"Serve Me Forever"

Lie no longer prostrate, bind not with fear.
“I have seen no effect, tired of shedding a tear”.
Hold on my child, don’t lose your gear.
Rise and stand. Come here, come near.

When things go wrong with your little farm,
I’m here to keep you out of unseen harm.
Lean on my child, shelter in my loving
Rise and stand, be an alarm.

You cannot win everybody, but there is someone
If you fail, weep for yourself and blame none
Just keep on my child, a work is to be done.
Rise and stand, hope is not yet gone.

You are my chosen, created to be my minister
Given a work to accomplish, be not a time waster.
Go on my child, with that purpose, be a finisher.
Rise and stand, serve me forever.